Its been two weeks after masaksak siya sa hospital medyo pahilom na din ang sugat niya, inaalaga niya lang sa linis at pag gagamot at limang araw na din siya sa loob ng mansiyon ng mga Monterey. Naka uniform siya ng katulong at syempre ang kanyang pang malakasan na pustiso na sungki di na niya ginamit ang sa ilong niya para kasi siyang nahihilo sa amoy niyon. Ayos lang sana kung mga isa o dalawang oras niya lang na isusuot yun e ang malala maghapon hanggang alas dose ng hatinggabi niya kailangan pagtiisan na suot iyon. "Maita, bilis bilisan mo naman ang kilos mo aba e baka dumating na si Siñorito Gener." Sabi ng kasambahay na ang tinutukoy ay ang pamangkin ng asawa ni Senator Monterey. Akala niya maldita ang asawa ng senador ngunit di pala, mabait ito sa kanilang mga kasambahay. Ang mald

