"Go inside now!" Si Red na seryuso ang mukha. Yun palang ang time na nakita niyang ganun ang mukha ng nobyo ng kaibigan. Alam niyang di nila dapat na nilabanan na sila sila lang lalo at may sugat paman din si Julie, pwede naman kasi silang tumawag ng authority para siyang makipagbuno sa mga lalaki kanina, pero dahil parehas silang mga palaban ni Julie ay kinareer nila ang pakikipagbuno. Di na nila inisip pa ang maaring pagkabinat ni Julie. Tinawag na sila ng labanan kaya ganun na ang kanilang naging approach agad. Di sila sanay na sila ang nililigtas, sanay sila sa survival mode. Kaya ayon kahit saan na sila mapunta ay tila normal na sa kanila ang makipaglaban kahit na alam nilang tagilid ang lagay nila. Wala man lang nakaisip sa kanilang dalawa na tumawag ng back up basta tumakbo lang si

