Bumungad sa kanya ang nakalungayngay na dating katipan, pero taliwas sa sinabi ni Travis ay may mga kasama pa itong iba sa mesa. Nandun si Ryon, Zion, Polo, Dom at ang iba pa. Parang gusto niya nalang tuloy na bumalik sa bahay niya at magpahinga nalang. "Ay may mga kasama na pala siya e. Uuwe nalang ako, kayo nalang ang bahala diyan." Sabi niya na nakahinga ng maluwag. Dahil sa malamyos naman ang musika at mahina lang kaya naririnig na siya ng mga ito na di na niya kinakailangan pang sumigaw pa. "Anong uuwe? Isama mo tong sweetheart mo. Ayaw sumama sa amin pauwe. " Si Yael na tumayo pa at pinalapit siya sa lalaking lasing na lasing. "Pre nandito na sundo mo, sinusundo kana ni Misis mo. " Nakangising sabi ni Dom na kinalabit ang lalaki na agad nag angat ng tingin. Namumungay ang mga ma

