Maaga silang nakaalis kinabukasan malalakas ba naman na katok ni Yaya at ni Ryon ang nagpagising sa kanilang dalawa. Wala naman silang dalang damit nang magpunta doon pero sinabi ni Dories na dalhin na nila ang mga nagamit na nilang mga damit habang naroon sila sa isla. Maging ang mga tsinelas ay bitbit nila paalis, may baon pa silang mga seafoods. Halata ang pag iwas sa kanya ni Jhai, di niya alam kung dapat niya ba na ikatuwa iyon o ano. Pero masakit parin pala ang lantarang pambabalewala nito, kahit pa hiniling niya naman na sana ay di na siya pansinin at pakialaman pa ng lalaki. Di na siya kumibo pa upang kausapin ito, boung biyahe ay natulog lang siya, siguro yun ang way niya para aliwin ang kanyang sarili. Nasasaktan siya na isipin na tapos na talagang tuloyan ang lahat lahat. Tama

