Aqua pov Napapitlag ang malandi niyang heart nang makita si Jhai na kasama ng mga iba pang ogag na susundo sa kanila. Pero sa kabila niyon ay pinilit niyang umaktong normal lang lalo at alam naman niyang sumama lang ang lalaki para tumulong sa pinsan nito. Alam niyang di rin siya kasama sa mga concern citizen nito. "Ayan na ang prince charming natin!" Bulalas ni Yaya na tile teen ager na nakakita ng crush nito na dumaan. Nakita niya ang tipid na ngiti ni Jana sa kanya, mukhang nadama na naman nito ang lungkot na umalipin sa kanya habang nakatingin sa dalawang babae na magiliw na sinalubong ang pamilya. Mabuti nga at walang pamilya ni Jana na sumundo dito dahil tiyak na mas masakit yun sa part niya. Parang ang hirap manood kasi ng reunion lalo kung nandun ang inggit sa puso mo. Naroon

