Jhai pov Napalingon sila sa mga katulong na di magkandaugaga sa pag hahain ng kanilang pagkain. Alam niyang para sa kanila iyon lalo at impossible naman na para sa mga kasambahay ang mga malalaking sugpo at hipon na inihain. Isang oras ang lumipas ngunit walang namang senyales na may parating o ano. May mga pagkain na din na inihain sa kanila. Kaya naman ay parang biglang nagparamdam na ang kanyang mga laman loob, mukhang kailangan na ng ilalaman. Mahilig naman talaga siyang kumain kahit na may sakit siya ay wala talagang makakapigil sa kainan. "Guys, wag na muna kayong kukuha at baka may lason yan." Si Zion na nakatitig sa kanyang reaksyon. "Mukha kasing masarap at malasa ang pagkakaluto sa mga pagkain, baka naman hindi. Sayang kasi kung lalagyan lang nila ng lason ang ganyan kadamin

