Tahimik lang silang nanood ng unti unting paglubog ng araw. "Hey Madam, kindly go back to the resthouse, anytime soon the sea water level in this area will higher than normal." Napalingon sila sa isang gwardya. Mabilis naman na napatayo silang dalawa at bumaba na sa bato upang bumalik sa bahay. Masaya siya na kay papaano ay nakailabas niya ang kanyang saloobin, kahit papaano eh gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa ngayon ay ayaw niyo munang isipin kung ano ang kanilang hinaharap basta ang alam niya hindi siya maaaring magpatalo siya kung ano mang lungkot na kanyang nadarama. Ilang araw pa lang sila sa isla ngunit tila ba ay taga doon na siya nababawasan ang kanyang lungkot at higit sa lahat ay payapa ang kanyang isip parang ayaw niya ng isipin na magko-cross pa yung landas nilang muli

