Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa kanya ng ama ng lalaki, may kasama pang iyak dahil naramdaman niya ang pagyugyog ng balikat nito habang hawak siya sa balikat niya. "Di ko alam anak kung ano ang ginawa nila sayo para mawala ang paningin mo, pero nakakapanlumo lang." Sabi ng Daddy ni Jhai. Nagugulohan siya sa akto ng ama nito, pero nang maalala ang sinabi ni Jana na inakala dati ng magulang ni Jhai na magkapatid sila sa ama ni Jhai, pero kalaunan ay pinatunayan ni Jhai na di sila magkadugo. Marahil ay yun ang rason ng Daddy nito kaya ganito nalang ang naging reaksyon nito. "Baka naman Jhai may paraan pa para makakitang muli si ate Sheila." Dinig niyang sabat ng kapatid nito na si Jim, "Aalis po kami papuntang America before siya manganak, para dun siya manganganak then aft

