Naging masaya siya sa pananatili niya ng dalawang araw sa mansiyon ng kanyang pamilya. Dama niya ang pagkagiliw ng kanyang pamilya sa kanya, iyon ay sa kabila ng katotohanan na ngayon lang sila nagkakilala. Parang napawi ang lahat ng mga naging pagdurusa niya nung mga panahong nasa Isla pa sila. "Parang nalungkot kana agad?" Puna ni Jhai sa kanya. Kailangan kasi nitong umuwe muna dahil sa naisugod sa hospital ang Daddy nito, gustohin niya mang magpaiwan sa pamilya niya ay ayaw naman siyang iwanan ni Jhai doon. "Gusto ko kasi sana na makasama sila ng matagal bago paman bumalik ng Barcelona si Lola. " Nakangusong sabi niya dito. "Sorry Sweetheart, kailangan kitang isama sa kung saanman ako naroon, I hope you understand why? Ayoko na mangyari uli ang mga nangyari noon na labis ko na pi

