Nang matapos silang kumain ay tapos na ding dumide ang mga bata, dahil nasa kalagitnaan sila ng kanilang kain ng mag iyakan ang dalawa. Akmang tatayo sila ng tawagin nung matanda si Dories, pinagmamasdan niya ang babae na naging Yaya ng mga anak ni Dos, di niya lubos akalain na isa pala itong espiya o tao na nagmamanman sa pamilya. Nakita niya din ang pagmamasid na ginagawa ni Jana at maging ni Yaya. Marami siyang gustong malaman sa babae lalo at di niya lubos maisip na kasama ito ng mga dumukot sa kanila. Looks can be deceiving ika nga nila, at ang isa pa sa nagpapasakit sa ulo niya ay ang motibo nito sa lahat ng ito. Bakit kailangan na ipadukot sila, tapos ito papakainin pa sila ng masasarap. It is not what a normal kidnappers do, kaya gumugulo sa isip niya ang motibo ng mga ito sa pagd

