Nagising siyang magaan ang pakiramdam. Dahan dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata. At nanlaki ang kanyang mga mata ng maalala ang nangyari kagabi. Dali dali siyang bumangon upang hanapin ang kanilang mga kasama. Ang alam niya ay anim sila, nauna nang nagising si Raya, at ang mga bata. Naghihilik naman sa tabi niya ang kaibigan na halos padagan na sa kanya. Mukhang napagod ito ng husto sa kanilang naging laban nang nagdaang gabi, ganun kasi ang kanyang naramdaman kanina. Parang pinagpapalo siya, gayong di naman sila nakipagbuno talaga sa kalaban. Pag lingon niya sa kabilang bahagi ay nakahiga ang mga anak nila Raya at Dos, may unan pa sa pagitan ng mga ito. May harang sa magkabilang gilid kaya naman di mahuhulog ang mga ito. Si Yaya Rose naman ay halos nakabukaka na sa sobrang lalim

