Kath's POV Naging masaya ang araw ko nitong mga nakaraang araw. Sobrang maalaga kasi ni Ethan, mabuti nalang at hindi pa bumabalik ang masama nitong ugali. Nakausap ko narin si Kira at masaya naman siya sa school niya ngayon, marami na daw siyang bagong kaibigan at syempre miss na miss niya na daw ako. Lagi na rin kaming namamasyal ni Ethan, minsan pumupunta kami sa mga probinsiya para makalanghap ako ng sariwang hangin. Sabi kasi ni Doc, mabuti daw yun sa kalusugan. Hindi ko parin nakakalimutan ang sinabi ko kay Ethan, hindi ko maiwasang pagdating ng panahon iiwan ko siya pati narin ang magiging anak namin dahil yun ang napagkasunduan. ---------- Kasalukuyan kaming papunta sa hospital, ngayon kasi ang schedule namin upang malaman ang gender ni baby. "Are you ready?" Tanong ni

