Kath's POV Minulat ko ang aking mata, bigla kong naalala ang lahat nang nangyari kagabi. Napakamot ako sa ulo. Siguradong papagalitan ako ni Ethan nito, tumayo ako at naghilamos. Pagbaba ko nakita ko si Ethan sa may dining table. Hindi ko siya pinansin, kailangan ko siyang iwasan dahil alam kong galit siya sakin. Bigla itong nagsalita. "Sit here, you need to eat." Umupo ako sa tabi niya. "Ethan, sorry nga pala kagabi." "It's okay. Please sa susunod wag mo nang gagawin yun, kung may gusto ka, magpautos ka o kaya naman magpasama ka." Walang reaksyon niyang sabi. Tumango nalang ako, sinabi ko ang lahat ng nangyari mula nung nakarating ako sa palengke hanggang sa paglalakad ko. Tila nag-alala naman siya sa baby, sa baby lang ha. "Magbihis ka magpapacheck-up tayo." Utos niya.

