Chapter 1

1474 Words
Kath's POV "Ate gising." Pang-gigising ni Kira sakin kaya tumayo ako kahit inaantok pa ako. Nang may bigla akong naalala, 'WAIT! Yung kagabi! Panaginip lang ba ang nangyari kagabi?' "Ate bakit ka nakatulala?" Tiningnan ko lang siya at hindi sinagot. "Nasan si Kenny?" Tanong ko kay Kira. "Nasa hospital po." Nalilito niya akong tiningnan. "Nakalimutan mo po?" Mabilis akong umiling. 'So, hindi pala panaginip ang mga nangyari kagabi. Totoo pala." Inalis ko sa isipan ang nangyari kagabi at hinarap si Kira. "Bakit mo iniwan si Kenny?" Tanong ko. "Ate wag kang mag-alala nandun si Chichi, hinahanap ka nga po may bibigay daw siya sayo. Kumuha lang po ako ng ibang gamit ni Kenny." Pagpapaliwanag niya. "A---ah ganun ba?" "Ate sabay na tayo pumunta sa hospital, maliligo lang ako." Tumango ako bilang sagot. 'Kainis! Totoo ang nangyari kagabi! Naisuko ko sa isang estrangherong lalaki ang bataan ko.' Sabi ng isip ko. "Ate tapos na ako, ikaw naman." Biglang lumabas ng cr si Kira, parang ambilis naman ata nitong maligo. "Sige." Pumasok narin ako sa cr. Maya maya lumabas na ako at nagbihis. "Kira tara na aalis na tayo, hinihintay na tayo ni Kenny" Sigaw ko sa kapatid ko. Kahit kasi siya ang naunang naligo, napaka-bagal niya paring kumilos. Lumabas na kami ng bahay at pumara na ng jeep. Mabilis kaming nakarating sa hospital. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Kenny na umiiyak kaya kaagad ko itong nilapitan. "Ate, akala ko iniwan niyo na ako ni Ate Kira" Umiiyak na sabi niya, niyakap ko ito ng mahigpit. "Wag ka nang umiyak. Andito na si Ate, Hinding-hindi ko kayo iiwan." Naiyak narin ako dahil sa nakikita kong emosyon ni Kenny. Nakita kong umiiyak narin si Kira kaya sinenyasan ko siya na lumapit. "Mahal na mahal ka namin Ate." Umiiyak na sabi ni Kira sa bisig ko. "Mahal na mahal ko rin kayo." Hinalikan ko ang kanilang noo. Nakita ko rin si Chichi na nakatingin samin at patagong nagpupunas ng kanyang luha. ---------- Naging maayos na ang lahat ngunit nandito parin si Kenny sa hospital. Sa susunod na linggo makakalabas narin naman siya at masaya ako dahil dun. Nandito ako ngayon sa tabi niya, mahimbing siyang natutulog. "Kira may bibilhin lang ako sandali." Pabulong na sabi ko. "Sige po Ate" Sagot niya. Alam kong nahihirapan narin siya sa sitwasyon namin ngayon pero hindi niya lang masabi. Halos hindi na siya nakakapasok sa kanyang eskwelahan kaya minabuti kong kausapin ang kanyang guro, mabuti nalang at naunawaan kaagad nila ang sitwasyon namin. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ng drugstore. "Miss may gamot ba kayong ganito?'' Pinakita ko sa babae ang gamot na ini-reseta ng doctor para kay Kenny. "Ito po ba Ma'am? Ilan po?" "Magkano ba ang isa?"Tanong ko sa tindera. "380 po ang isa. Ilan po ang kukunin niyo?" Tiningnan ko muna ang pera ko sa wallet at hinugot ang 1000 pesos na natitira. Bayad na ang hospital bill pero hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng pantustos na pera sa gamot ng kapatid ko. "Miss dalawa lang." Inabot niya sakin ang gamot at sukli. Naglalakad na ako pabalik sa kwarto kung nasaan ang kapatid ko nang mahagip ng mata ko ang taong kinamumuhian ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "Kathleen?" Gulat na tingin niya sa akin. "Kathleen, anak nabalitaan ko yung nangyari sa kapatid mo." Nag-aalalang sabi niya. "So, Ano naman ngayon? Wag na po kayo mag-alala okay na siya. Pwede na po kayong umalis." Hindi ko alam ngunit pagdating sa pamilya ang hina-hina ko. Aalis na sana ako sa harapan niya dahil baka hindi ko mapigilan ang luha ko nang bigla niya akong hinawakan sa balikat. "Kathleen anak." Sabi ng magaling kong Ama. "Wag niyo po akong hawakan. Sana hindi nalang po kayo nagpakita dito." Galit na sabi ko sa kanya. "Anak gusto lang kita makausap." "Para saan po? Magpapakita ka sa amin ng mga kapatid ko tapos ano? Paaasahin mo kami na may Ama kami? Hindi na po namin kailangan ng magulang dahil mula ng nawalan kami ng Ina nawalan narin kami ng Ama." Umiiyak na sabi ko. "A---anak sorry" Mahinang bulong niya. "Sorry? Sorry din po pero hindi niyo alam ang pinagdaanan at pinagdadaanan ko. Tapos sorry? Noong nawala si nanay sobrang sakit para sa amin, umaasa ako na may magpupunas ng luha namin habang umiiyak kami ng mga kapatid ko." "Ama ka namin pero hinayaan mo kaming magdusa. Ama ka namin pero sinaktan niyo kami." Huminto ako sa pagsasalita at nagpunas ng luha. "Masyado pa akong bata ng maranasan kong kumayod para lang makakain ng maayos yung mga kapatid ko, pinuntahan po kita sa bahay niyo para humingi ng konting tulong para mapagamot si Nanay pero tinaboy ako ng asawa niyo." "Sinabihan niya ako ng hampaslupa, makapal ang mukha, mukhang pera, malandi at lahat na ng masasamang salita narinig ko sa kanya." "Pero hindi ako natinag sa masasakit na salita na sinabi ng asawa niyo, dahil ang masakit yung hindi niyo kami tinulungan. Yung pinabayaan niyo kami at yung tinalikuran niyo kami. Tinalikuran kami ng sarili naming Ama." Muling lumandas ang luha ko. "Kaya mula noon, dun pumasok sa utak ko na kahit kailan hindi na ako sainyo hihingi ng tulong dahil wala na kaming Ama. Matagal ka na naming kinalimutan at binaon sa hukay kasama si nanay." Nakayuko lamang siya ngunit nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata. "Wag po kayong mag-alala, hindi ko po tatalikuran at sasaktan ang mga kapatid ko. Hindi ko ipaparamdam sa kanila yung sakit na ginawa niyo sa amin noong mga nakalipas na taon. Kahit anong trabaho, papasukan ko mapagamot ko lang ang kapatid ko. Na hindi umaasa at humihingi ng tulong sayo." Hindi siya sumasagot. "Hindi na po namin kailangan ng ama. Umalis na po kayo bago kayo makita ng mga kapatid ko" Pinunasan ko ulit ang luha ko. "Patawad anak" Yan ang huling salita na narinig ko kay papa. Alam ko nasasaktan din siya, masakit na makita mong lumuluha ang iyong Ama ngunit mas masakit yung ginagawa niya samin. Umupo muna ako sa bakanteng silya at doon binuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Maya maya napag-desisyunan ko ng pumasok. "Ate okay ka lang po ba?" "Oo naman. Mukha bang hindi okay ang Ate mo?" Pabirong sabi ko pero deep inside sobrang sakit na. "Ewan ko po pero feeling ko masakit ito." Itinuro niya ang dibdib ko. Tiningnan ko siya at matipid na ngumiti. "Ano ka ba, okay lang ako." Ngumiti lang siya. "Kapag hindi mo na kaya Ate, sumuko ka na, iiyak mo na para mabawasan ang sakit'" Makahulugang sabi niya. 'Naiyak ko na naman lahat ngunit bakit parang ang sakit parin.' Yan ang gusto kong sabihin sa kanya. Tumango nalang ako at matipid na ngumiti. ---------- Lumipas ang mga araw nakalabas na din si Kenny sa hospital, bumalik narin sila sa pag-aaral, hindi ko narin nakita na dumalaw si papa. Nagsa-sideline narin ako sa parlor na pinag-tatrabahuhan ni Chichi. Kahit maliit lang ang sahod, sapat na yun para pambili ng gamot ni Kenny at pagkain namin araw araw. Dumating na ako sa bahay. "Nasan si Ken, Kira?" Tanong ko, nakita ko siyang gumagawa ng kanyang takdang aralin. "Tulog na po Ate." Sagot niya. "Ganun ba? Sige matulog ka narin maaga pa ang pasok niyo bukas." "Opo Goodnight Ate." Hinalikan niya ako sa pisngi. Dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Kumain narin ako at nagligpit ng kalat sa sala. Nagbihis ako ng pantulog at nahiga narin sa sobrang pagod. Maraming customer ngayong araw, malaki naman ang kinita ko sa awa ng Diyos. Ilang saglit lang ay hinila narin ako ng antok dahil sa pagod. ---------- Bigla akong napabangon dahil parang nasusuka ako, mabilis akong nagtungo sa cr ngunit wala naman akong masuka. These past few days ganito ako. Nagsusuka, nahihilo at mapili narin sa pagkain. "Ano ba ang nangyayari sakin?" Tanong ko sa harap ng salamin. "Ate nandito na si Chichi." Katok ng kapatid ko sa may pinto. Tamang-tama magpapaalam muna ako kay Chichi na magrestday ngayong araw para makapagpacheck-up ako. Baka mamaya may malalang sakit na pala ako. "Chichi pwede ba akong mag restday ngayong araw? Pupunta lang ako sa hospital." "Ha bakit?" Nag-aalalang tanong niya. "Hindi ko kasi maexplain, pero this past few days kasi nanghihina ako tapos nahihilo tsaka nagsusuka tuwing umaga. Baka kasi may sakit na ako, kaya gusto ko sana magpacheck-up." Tila binigyan naman niya ako ng makahulugang tingin. "Hindi kaya buntis ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ano? Nagpapatawa ka ba? Paano ako mabubun--" Naalala ko yung nangyari nung mga nakaraang linggo. "B---buntis ako?" Napahawak ako sa aking bibig, hindi ito maaari. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD