Chapter 2

1508 Words
Kath's POV "Uy girl okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Chichi. "Ah... Oo, okay lang ako." Napahawak ako sa mukha ko. Nasa trabaho kami ngayon, medyo maraming customer at nahihirapan akong gumalaw. Dalawang buwan na ang pinagbubuntis ko. Malusog naman siya ayon sa Doctor na pinagcheck-upan ko. Medyo mahirap lang gumalaw dahil sensitive siya siguro dahil alam niyang mayaman ang ama niya. Speaking of ama niya, 'Nasan na kaya ang taong yun?' Tanong sa isip ko. I'm sure nasa isang bar na naman at nagpapakasawa sa mga babae niya. 'Mayaman kasi siya Kathleen.' Bulong ko, kaya napapikit ako. Sayang lang dahil hindi makikilala ng baby ko ang ama niya. Lagi na lang akong palpak. Pinangako ko pa naman sa sarili ko noon na hindi ko ipaparanas sa anak ko ang buhay ko. Hindi ko siya hahayaang masaktan at maramdaman ang lahat ng hirap na pinagdadaanan ko ngayon. Kaya lang, mapagbiro ang tadhana, hindi na mabubuo ang pamilyang pinapangarap ko. Sino ba naman ako para humiling sa Panginoon? Isa lamang akong babae na walang patutunguhan sa buhay dahil sa kahirapan. Huminga ako ng malalim. "Girl kailangan mo nang magpahinga kanina ka pa dito." Nagaalalang sabi ni Chichi. "Okay lang ako Chi kailangan kong mag-overtime para sa pandagdag na pera sa panganganak ko." Ngumiti ako sa kanya. "Bilib rin ako sayo noh! Napakabait mong tao. Bakit kasi hindi ka ginamitan ng customer mo ng proteksyon? Ano? Masyadong nasarapan?" Kumunot ang noo ko. Masyadong bulgar ang bibig nitong baklang to. "Ngayon talaga natin paguusapan yan?" Tanong ko sa kanya. "Siguro kung naging ako ikaw, susuko na ako." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sige na't mamaya na ang kwentuhan, maraming customer. I'm sure maraming tip mamaya." Excited na sabi ko. "Sige mag-overtime din ako para matulungan kita at ang inaanak ko." Tumango naman ako. Hinawakan ko ang umbok ng tiyan ko. "Baby, kapit lang ha. Kailangan magtrabaho ni Mama para kay Kenny at Ate Kira mo. ---------- Lumipas ang mga araw malaki-laki narin ang nauuwi kong pera, sympre sa tulong na din ni Chichi. "Ate pwede ba tayong mamasyal?" Tanong ni Kenny. "Hindi naman po ako magpapabili, maglalakad lakad lang po tayo sa mall." Pahabol niya pa. Hindi ko naman siya matiis. "Okay pero inumin mo muna ang gamot mo." "Talaga Ate?" Tumango naman ako bilang sagot. "Yehey! Makakapasyal narin ako." Excited na sabi niya. Matagal narin kasi siyang hindi nakakapasyal kasi hindi pa siya pwedeng magpakapagod, kaya tuwang-tuwa ito nang pumayag ako. Nagbihis narin ako ng simpleng dress lang. Hindi na kasi ako pwedeng magsuot ng masikip na damit dahil baka maipit ang tiyan ko. "Ate tara na po." Excited na tawag ni Kenny sakin. Sumakay kami ng jeep patungo sa pinakamalapit na mall dito samin. "Ate pupunta lang ako sa bookstore ah." Tumango naman ako. "Ate sasama ako kay Kenny ha." Pagpapaalam ni Kira at patakbong sinundan ang kapatid. Sumunod narin ako sa kanila, nakita ko ang saya sa kanilang mga mukha habang hawak ang mga libro na binabasa nila. Sayang lang dahil wala akong magawa para mabili ang gusto nila. Lumapit si Kenny sakin. "Ate tara na po." Hinawakan naman ni Kira ang kamay ko. Alam kong marami silang gustong bilhin dito sa bookstore pero wala talaga akong sobrang pera pambili sa gusto nila. Napadaan kami sa palaruan ng mga bata. "Ate may twenty pesos ako dito." Pinakita niya pa ang hawak niya. "Pwede ko bang ipambili ng tokens dito?" Tanong niya. "Oo naman, pera mo naman yan." Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. "Ate Kira bumili na tayo ng tokens bilis." Hinila niya si Kira sa cashier. Apat ang nabili niyang tokens dahil lima ang isa. Naglaro siya at sumakay sa rides. Nang isa nalang ang natitirang token na hawak niya. "Ate gusto ko dito." Sinundan ko lang sila ni Kira. Napangiti ako sa kakulitan nilang dalawa. "Bakit diyan? Wala naman nananalo diyan. Madaya ang game na yan eh." Tiningnan ko naman kung ano ang game na pinagtatalunan nila. May trip to Singapore for two, may Enchanted Kingdom, Star City, may cellphone at may camera. Meron ding kakain ka sa isang mamahaling restaurant. Mukhang may daya nga ito, imposibleng may manalo dito. Hinayaan ko lang silang dalawa. Umupo muna ako sa bakanteng silya. Nagugutom na naman ang baby ko. Hinawakan ko ang tiyan ko, 'Baby later na, okay?' Mahinang bulong ko. Ilang saglit pa ay biglang sumigaw si Kenny, "Yehey! Ate tingnan mo nanalo tayo." "Ha?" Naguguluhang tanong ko. "Ate nanalo tayo! Makakakain na tayo sa mamahaling restaurant." Si Kira ang sumagot. "Patingin nga baka niloloko niyo lang ako." Pinakita nila sakin at totoo nga ang sinasabi nila. "Ate tara puntahan na natin." Masayang sabi ni Kenny. Mabilis lang namin nahanap ang restaurant at halata nga namang mamahalin ito. May lumapit na waitress sakin. "Hello po Ma'am. How can I help you?" "Uhm miss nag-aavail pa ba kayo nito?" Pinakita ko sa kanya ang gift check na pinalalunan nila. "Yes po Ma'am, hahanapan ko lang po kayo ng table." Sabi ng babae. "Sige, salamat." "Ma'am dito nalang po kayo maupo. Hintayin niyo nalang po ang order niyo." Tumango ako. Dumating na ang order namin at sobrang dami pala, baka hindi namin ito maubos. Nagsimula na kaming kumain, sobrang sarap ng luto. "Ate ang sarap. Ngayon lang ako nakakain ng ganitong pagkain." Natawa naman ako sa sinabi nila. Natapos na kaming kumain at walang natira. Akala ko pa naman hindi namin mauubos. Tiningnan ko yung mga tao sa paligid namin at nakatingin pala sila samin habang yung iba ay pinagtatawanan kami at parang pinandidirian. Yumuko nalang ako. Para naman kaming may sakit na nakakahawa nito. Siguro pinaguusapan nila kung paano kami nakakain sa ganitong lugar. 'Mayayaman nga naman.' "Ate iihi lang po ako." Sabi ni Kenny. "Sige bilisan mo tapos uuwi na tayo. Hintayin ka namin dito." Tumango naman siya at mabilis na hinanap ang cr. Makalipas ng ilang minuto. "Ang tagal naman ni Kenny." Nagaalala na ako dahil hanggang ngayon nasa cr parin ito. "Kira dito ka lang ha, pupuntahan ko lang ang kapatid natin." Pagpapaalam ko kay Kira. "Sige po, hintayin ko kayo dito." Hinanap ko ang cr nila. Nagtanong pa ako sa waitress kaya itinuro nila kung saan ito. "Sino ba ang magulang mo? Paano ka nakapasok sa ganitong lugar? Siguro magnanakaw ka noh. Kebata-bata mo pa magnanakaw ka na." Sigaw ng babae. Nakita ko ang kapatid ko na iyak ng iyak habang mahigpit na hawak sa kamay ng babae. Dali dali akong lumapit sa kanila. "Kenny? Tama na po Ma'am." Pigpipigil ko sa babae. "A---ate?" Hirap na hirap niyang sabi, halos hindi narin ito makahinga kakaiyak. "Shhh... Nandito na si Ate." Hinagod ko ang likod niya. "Ma'am sorry po. Ano po ba ang nangyari?" Magalang na tanong ko sa babae. "Yan kasing magaling mong kapatid, hindi tumitingin sa dinadaanan niya kaya nalaglag ang lahat ng gamit ko. Tatanga tanga kasi." Sabi niya at susugurin na naman sana ang kapatid ko. "Ma'am tama na po, bata pa po siya". Nagmamakaawang sabi ko sa kanya. "Sino ba kasi nagpapasok sainyo dito? Mga magnanakaw siguro kayo noh?" Galit na tanong niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Wala kang karapatan na pagsalitaan kami ng ganyan." Sigaw ko at dinuro siya. "Hindi kami magnanakaw." Bigla niya akong sinugod. "How dare you na duru-duruin ako ha? Kilala mo ba ako?" Sabi niya habang nakasabunot sa buhok ko. Gusto kong lumaban ngunit hindi ko na kinaya dahil sumasakit narin yung tiyan ko. "Ako ang first lady ng may-ari na tinatapakan mo ngayon. Wala kang karapatan na duruin ako." Hinayaan ko nalang siyang saktan ako. Wala naman akong laban at baka kapag nasaktan ko pa ito magpabayad pa. Wala na nga kaming pera. Tiniis ko ang sabunot niya sakin kahit sumasakit na talaga ang tiyan ko. 'Baby kapit lang, kaya ito ni Mama.' Bulong ko sa sarili. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil bigla nalang akong nawalan ng malay. Nagising ako ng may marinig na mahinang pagiyak. "Ate gising na." Rinig kong sabi ni Kenny. "Kenny." Tawag ko sa kapatid ko. "Ate okay ka lang ba? May masakit pa ba sayo?" Natataranta niyang tanong nang makita akong nagising. "Okay na ako, wag ka ng magalala." Sabi ko at pinunasan ang luha niya. Bigla kong naalala ang nangyari. "Nasaan tayo? Bakit tayo nandito sa hospital?" Tanong ko. "Ate nahimatay ka po. Over fatigue daw po sabi ng Doctor." Sagot ni Kira. "Ganun ba? Umalis na tayo sa hospital na ito baka singilin tayo ng mahal dito. Okay na naman ang pakiramdam ko." Tatayo na sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko. "No one will leave this room." Sabi ng isang britonong boses. Napako ako sa kinahihigaan ko. 'Kilala ko ang boses na yun!' Unti-unti akong humarap sa nagsalita. Napahawak ako sa bibig ko. I'ts him. Siya yung lalaking nakasama ko ng isang gabi. Siya yung ama ng anak ko. "Oh My God." ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD