Chapter 3

1501 Words
Kath's POV Napangiti ako nang makita si Chichi na may bitbit na plastic ng mangga. Ito kasi ang pinaglilihian ko nitong mga nakaraang araw. "Chi salamat ha." Mabilis kong kinuha yung dala niyang plastik. Umupo ako sa silya at binalatan ang mangga. Bigla naman niya akong kinalabit. "Uy girl, balita ko nagkita daw kayo ng ama ng baby mo." Hindi talaga ako makakaligtas sa chismosang ito. Naalala ko na naman ang nangyari sa hospital. Flashback "No one will leave this room." Sabi ng britonong boses. It's him. Yung naka one night stand ko at ang ama ng anak ko. "Mister? Sino po kayo?" Tanong ni Kenny. Tiningnan niya lang ang kapatid ko at hindi sumagot. "Kira isama mo muna si Kenny sa labas, may paguusapan lang kami." Pinandilatan ko ng mata si Kira at dali dali silang lumabas. Paglabas nila katahimikan lang ang bumalot sa buong kwarto. Yumuko ako. "So, wala ka bang sasabihin sakin?" Malamig na sabi niya. "Sir aalis na po kami, baka mapamahal pa ang babayaran namin dito." Sabi ko, wala naman kasi akong sasabihin sa kanya. "Wala kang babayaran dahil sagot ko na ang gastusin mo. Ngayon, tell me is that mine?" Tinuro niya ang tiyan ko. Nanahimik ako at unti unting tumango. Walang rason para ilihim ko sa kanya. "Why didn't you tell me?" "Sir sorry po." Sabi ko. "Are you a sl*t?" Tanong niya. Ganyan talaga siguro ang tingin nila sakin. Tumulo ang luha ko at dahan dahan na tumingin sa kanya. "Hindi po ako bayarang babae at napatunayan ko yun sayo." Galit na sabi ko habang umiiyak. "Kailangan ko lang gawin yun dahil may sakit ang kapatid ko at mamamatay siya kapag hindi siya naoperahan kaagad. Ginawa ko lang yun dahil mahal na mahal ko ang mga kapatid ko, sila ang dahilan kaya ako nagsisikap ngayon. Sana nag-iingat ka sa lahat ng salitang sinasabi mo dahil nakakasakit ka! Hindi niyo ako kilala kaya wag niyo akong husgahan." Tila nabuhusan naman ito ng malamig na tubig sa sinabi ko. "You're right. I don't know you but you're bearing my child now." Sabi niya. "So, kaya kong palakihin ang anak ko ng mag-isa." "No! It's my child too kaya hindi ko hahayaan na mahiwalay rin siya sakin." Sigaw niya, nanumbalik ang malamig na tono ng kanyang boses. "Susundin mo lahat ng utos at desisyon ko." He said. "Paano kung ayoko?" Sabi ko habang nakatitig sa kanyang mata. Ngumiti siya ng nakakatakot. "You don't know me Miss." Sabi niya at lumabas ng kwarto. Natakot naman ako sa sinabi nito. 'Sino ba siya? At ano ang kaya niyang gawin kapag hindi ko siya sinunod?' End of Flashback "Hoy!" Nagulat ako sa sigaw ni Chichi kaya napabalik ako sa kasalukuyan. "Kanina pa kita kinakausap, tulaley ka diyan." "Ha?" Tanong ko. "Ewan ko sayo! Sa lahat ng tanong ko, wala ka man lang nasagot! Pasalamat ka buntis ka kung hindi baka natuktukan na kita." Sabi niya habang nagbabalat ng mangga. "Ikaw kaya ang tuktukan ko diyan." Pabirong sabi ko. "Joke lang naman girl." Sabi niya sabay tawa ng malakas. "Ate, ate.'' Boses ng mga kapatid ko. "Nandiyan na ang mga kapatid mo." Sabi ni Chichi. "Sige na girl, uuwi na rin ako." Paalam niya. Tumango nalang ako bilang sagot. "Ate tingnan mo ito. Ang taas ng mga grades namin ni Ate Kira." Masayang balita ng bunso kong kapatid. "Talaga? Very good kayong dalawa." Sabay yakap sa kanila ng mahigpit. "Ate kumakain ka na naman ng mangga?" Tanong ni Kira nang mapansin ang isang plastik ng mangga. "Gusto kasi ni baby ng maasim eh." Tumawa naman siya. Lumapit si Kenny sakin at hinaplos ang tiyan ko. "Baby, ako ang tito mo, excited na akong makita ka." "Ikaw talaga. Halika na at kumain na kayo at magpahinga." Sabi ko sa dalawa, kararating lang kasi nila galing school. Biglang lumapit si Kira sakin. "Ate magkokolehiyo na ako, maiiwan kayo dito ni Kenny" Malungkot na sabi niya. "Okay lang kami dito. Isipin mo nalang para ito sa kinabukasan mo. Okay ba yun? Pagbutihan mo ang pagaaral mo ha." Sabi ko. Itinatago ko lang ang lungkot. Ayoko rin naman siyang mawalay sa amin pero ito nalang ang paraan para makapagkolehiyo siya. "Si Ate Kira talaga pinapaiyak na naman si Ate Kath." Pabirong sabi ni bunso. "Hindi ah, mamimiss ko lang talaga kayo." Singit niya. "Ate Kath, hayaan mo yan. Ayaw na ayaw ko na umiiyak ka. Okay?" Makahulugang sabi niya. Hinawakan niya ang mukha ko at parang tinitigan ito. Ngumiti lang ako sa kanya at ganun din ang ginawa niya. May tita kasi akong magpapaaral kay Kira. Medyo malayo layo nga lang ang paaralan mula dito samin kaya kailangan niyang tumuloy sa bahay ng tita ko. Kumain kami nang sabay sabay pagkatapos naligo narin sila at gumawa ng assignment nila. ---------- Lumipas ang dalawang linggo naging masaya naman kami. Namamasyal rin kami, sa park nga lang. Natakot na kasi silang magpunta sa mall dahil sa nangyari noon. Sabi nila pang mayaman lang daw kasi yung mall. Tawa ako ng tawa nung sinabi nila yun. Umuwi na kami galing park. "Ate bakit parang ang tamlay ni Kenny? Kanina naman ang hyper hyper niya." Bulong ni Kira. "Baka napagod lang, patulugin mo na siya, susunod na ako sainyo." Tumango naman siya. "Kenny, halika na susunod nalang daw si Ate." Sumunod naman siya. Isinarado ko na ang pinto at naghilamos na. Dumiretso ako ng kwarto at nakita ko ang dalawa na naghihintay sakin. Humiga ako sa gitna nila, yumakap naman si Kenny sakin, napakalambing talaga ng batang ito. "Ate ang tagal naman lumabas ng pamangkin ko, maglalaro na nga kami." Naiinip na sabi niya sakin. Natawa ako ng mahina sa sinabi nito. "Hintay hintay lang, mga ilang months nalang makikita mo na siya at magiging tito ka na." Sabi ko. "Hindi na ako makapaghintay Ate." Makahulugang sabi niya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. "Ate Kira mamimiss kita." "Matagal-tagal pa naman akong aalis bunso." Sabi niya. Alam rin kasi niya na magkokolehiyo na si Kira at kami nalang ang maiiwan dito sa bahay. "Lalo ka na Ate Kath. Mahal na mahal ko kayo pati narin ang pamangkin ko." Sabay yakap ng mahigpit. Hindi ko na siya pinansin dahil antok na antok na talaga ako. ---------- Nauna akong nagising. Tulog na tulog parin ang mga kapatid ko, napagod siguro kakalaro kahapon. "Goodmorning girl." Bati ni Chichi, makiki-almusal na naman ito dito. "Girl ang ganda ganda mo parin kahit bago kang gising." Yung mga ganyang linyahan niya alam na alam ko na. "Ewan ko sayo! Makiki-almusal ka nalang dito mambobola ka pa." Pagbibiro ko. "Goodmorning Ate." Inaantok na sabi ni Kira. "Oh gising ka na pala. Gisingin mo narin si Kenny para sabay sabay na tayong mag-almusal." Tumango naman siya. Naghain na ako sa lamesa. "Alam mo bakla----" Naputol ang sasabihin ko nang marinig ang pagsigaw si Kira. "ATE." Mabilis kaming nagtungo sa kwarto. "Kira bakit?" Nagaalalang tanong ko. "Si Kenny ayaw magising eh." Umiiyak na sabi niya habang pinipilit niya parin itong gisingin. "Chi tumawag ka ng taxi dalhin natin siya sa hospital." Nagmamadaling tumawag ng taxi si Chichi. Binuhat ni Kira si Ken at dumiretso kami sa taxi. Habang nasa taxi tinatapik ko lang ng tinatapik ang kanyang mukha. Tinakbo namin siya sa emergency room. Habang naghihintay puro iyak lang ang naririnig ko kay Chichi at Kira habang ako tahimik na nagdadasal. Hindi ako umiyak sa harap nila, patago kong pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa aking mata. Lumabas na ang Doctor. "Kayo po ba ang pamilya ng bata?" Tumango ako. "I'm sorry po. We did our best pero mismong siya na ang sumuko." Yang katagang yan ang nagpahinto ng mundong ginagalawan ko. Biglang nagbagsakan ang luha ko at napaupo nalang sa sahig. "Hindi to totoo. Buhay pa ang kapatid ko! Buhay pa si Kenny!" Sigaw ko sa Doctor. Lumapit naman si Chichi at Kira sakin. "Ate tama na po." "Bakit kinuha kaagad satin si Kenny? Bakit niya pinabayaan ang kapatid ko." Tanong ko habang umiiyak. "Girl tama na, ang baby mo." Hinihimas ni Chichi ang likod ko ngunit hindi ko parin mapigilan ang luha ko. Pinatayo na ako ni Chichi at Kira pero iyak parin ako ng iyak, pati sila ay ganun din. "Gusto ko po makita ang kapatid ko." Sabi ko sa Doctor. Tumango naman siya. Pinapasok kaming tatlo sa loob, pinagsuot lang kami ng lab gown at mask. Habang papasok hindi ko mapigilan ang luha ko. "Kenny, kapatid ko. Sabi mo hihintayin mo pa ang pamangkin mo. Diba maglalaro pa kayo. Bakit ka umalis kaagad? Diba kaya mo? Sabi mo sakin kaya mo." "Mahal na mahal kita Kenny. Please bumangon kana." Humalik ako sa kanyang noo. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sumasakit na naman ito."Aahh..'' Sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Bigla akong hinawakan ni Chichi sa braso. "Girl." Sigaw niya. "Ate! Doc, Tulungan niyo po kam---." Yan ang huli kong narinig dahil nawalan na ako ng malay. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD