Prologue
“L-O-V-E, LUKE! L-O-V-E, Luke!”
Rinig na rinig ni Luke ang mga sigawan ng kanyang fans sa loob ng Araneta Coliseum. Iyon ang kauna-unahan niyang solo concert simula nang maging parte siya ng p-pop boyband na Noble Power. Hindi pa rin siya makapaniwala na napuno niya ang buong lugar at na-sold out ang lahat ng tickets ng concert niya para sa araw na iyon.
Naghahanda na siya sa may backstage para sa susunod niyang performance. Huminga muna si Luke ng malalim bago inihakbang ang kanyang mga paa sa malaking stage kung saan nakikita siya ng lahat ng tao na naroon. Lalong lumakas ang sigawan sa buong lugar nang masilayan ulit siya ng kanyang fans.
He smiled and waved his hand to them. “Thank you po ulit sa inyong lahat na narito po ngayon para sa concert ko na ito. Marami rin pong salamat sa pagsuporta ninyo po sa akin mula noon hanggang ngayon,” ani niya sabay yuko para magpasalamat sa kanyang fans.
“Mayroon po akong ibabahagi sa inyo bago po ako magsimula,” saad niya at tumahimik naman ang buong paligid. “No’ng mga nakaraang buwan po ay nagising na lang ako na parang pagod na pagod ako. Parang hindi ko na alam kung para saan pa ba ako bumabangon. I started getting tired of everything so, I decided to go on a trip to a quiet place and relax myself. I went to a far away place where no one knew me. There, I’ve met a girl wearing a white long dress on the bridge. A beautiful girl who looked like an angel.
“At first, I thought that she’s there to end her life kaya po pinigilan ko siya from jumping off the bridge pero iyon po pala ay nandoon siya para mag-relax din kagaya ko. Nagalit siya sa akin no’n dahil inistorbo ko raw po ang quiet time niya pero sa halip na mainis ay natuwa po ako dahil nakita ko siya roon. I found her so amusing and I wanted to know her name but she didn’t care about me. He didn’t even know me,” he laughed. “Akala ko po no’n ay hindi na kami muling magkikita but God is good. He made a way for me to see her again.
“Dahil po sa pangyayari iyon ay nagsimula ang isang kuwento na nagpabago ng buhay ko. Ang kuwento na nagbalik ng kasiyahan sa akin. And until now, I’m happy and thankful to God that I met her… that I’ve met the girl I love.” Naglakad si Luke papunta sa central stage kung nasaan ang piano at saka pumuwesto roon paharap sa mga nanonood. “Ang kakantahin ko po ngayon ay original song na ginawa ko po para sa kanya. Para sa babaeng nagbigay ng bagong kulay sa buhay ko. The title of this song is ‘A Song For You’. Sana po ay magustuhan ninyong lahat ito.”
He started playing the piano. Hindi naman niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa sobrang kaba na kanyang nararamdaman. Ang kakantahin niya sa mga sandaling iyon ay kauna-unahang kanta na kanyang binuo kaya ganoon na lang ang kaba niya.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at saka nag-inhale at exhale para pakalmahin ang kanyang sarili bago siya nagsimulang kumanta.
‘A Song For You’ by Luke Ramirez (Original lyrics by Dara Nakahara)
This is a song for you
A song I wrote about you
Everything that I cannot say I will tell
I will sing from the heart so well
Marahang iminulat ni Luke ang kanyang mga mata at tumingin sa mga nanonood sa kanya. May hinahanap ang kanyang mga mata na gusto niyang makita ng mga sandaling iyon. He wanted to see her. He wanted her to hear him.
This a song for you
A song to tell how much I love you
Everything that you need to hear
I put it in a melody so clear
While he’s singing the song he wrote, he saw a beautiful girl wearing a white long dress in the middle of the crowd. She still looks like an angel from heaven. Hindi pa rin nababawasan ang kagandahan nito ni katiting. Naalala niya tuloy ang una nilang pagkikita ng babae.
Stay next to me here
I want to feel the warmth from you
I’ll be here for you, too
Tila nawala naman ang lahat ng naroon sa kanilang paligid at naiwan silang dalawa ng babae sa lugar na iyon. Luke can’t keep his eyes off the girl. Naramdaman niya ang pamumuo ng kanyang mga luha sa magkabila niyang mga mata nang magtama ang kanilang mga tingin. Hindi siya iyakin pero hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Sobrang kasiyahan. Sobrang kaba. Sobrang papasalamat. Halo-halong emosyon ang nasa kanyang dibdib.
Stay beside me forever
I don’t want to be apart from you
Touch my hand and I won’t ever let go
She was sitting in her wheelchair far from the stage but he could see her clearly—The girl who made his life more beautiful and meaningful. The girl who made him appreciate life to the fullest. The girl he loves so much.
Nakita niya ang pagsenyas nito na huwag na siyang umiyak pa dahil naiiyak na rin ang babae kaya naman pinigilan niya. He stopped himself from crying and continued singing.
You are my everything
My love…
My angel…
Nang matapos siya sa pagkanta ay pumalakpak ang babae. Narinig niya ang palakpakan at hiyawan ng kanyang fans. Saka lang din bumalik sa kanyang paningin ang mga taong naroon pero nananatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa babae.
She smiled at him sweetly and mouthed ‘thank you’ to him. Just like the first time, she can still make his heart flutter. She can still make him feel those butterflies on his stomach.
Luke is grateful because she’s still there with him. He will be forever thankful because God sent her to him. He promised to cherish every second with her—with his angel beside him.
Lord, I love her so much.