Chapter 1

2199 Words
Chapter 1: “Anghel sa lupa”   HINDI pa natatapos ang birthday celebration ni Ice, isa sa member ng group niyang Noble Power, ay nagpaalam na agad si Luke sa mga kaibigan niya. May pupuntahan kasi siya sa araw na iyon kaya hindi na niya hinintay pang matapos ang party nito. Agad siyang sumakay sa kanyang kotse at umalis na roon. Balak niyang mag-emote sa malayong lugar kung saan wala masyadong makakakilala sa kanya. He’s really happy seeing Ice, his best friend and Dara, the girl of his dreams together. Matagal na niyang natanggap na hanggang kaibigan lang siya ni Dara, and it’s more than enough for him. Nasaktan din siya no’ng una pero, as the time passes by, natutunan na ng puso niyang maghilom mag-isa. Sapat na sa kanya ang maging taga-cheer at taga-advise ng babae sa tuwing kailangan nito ng tulong niya. Iyon lang naman ata talaga ang role niya sa kuwentong iyon. But deep inside, he’s also praying that someday… he could find that love he's waiting for. Gusto rin naman niyang magmahal ulit at mahalin din. Hindi naman siya ipokrito para hindi mag-asam na mahalin din pabalik ng taong mahal niya. Gusto niyang maranasan iyong pag-ibig na natagpuan ng kanyang mga kaibigan. Iyong matatawag niya na sarili niyang kuwento. Napabuntong-hininga siya. Pinaandar niya ang stereo dahil tila mabibingi na siya sa katahimikan. Binuksan niya rin ang bintana ng kanyang kotse at hinayaang pumasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas. Naisip niya, siguro ay may mga tao lang talaga na darating sa buhay natin para maranasan at iparamdam sa atin kung paano ang magmahal. Iyong mga taong magpapakita sa atin na may iba’t-ibang uri ng love. Iyong mga taong mag-iiwan ng mga aral at magpapatibay sa atin sa takbo ng buhay. Hindi lahat ng mamahalin natin ay mamahalin din tayo kagaya ng pagmamahal natin sa kanila. Iba-iba kasi ang tao. Iba-iba rin ang mga kuwentong isinulat para sa bawat-isa. Sa case ni Luke, parang nabibilang sila ni Dara doon sa mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana. Hindi itinadhanang maging sila sa huli pero itinadhanang maging magkaibigan. Hindi lang iyon ang dahilan niya kung bakit niya napagdesisyunan na i-relax ang sarili sa malayong lugar. Napapansin niya kasi na kahit parang wala namang problema ay tila tinatamad siya sa pagbangon sa araw-araw. He’s starting to get tired of his life—a life that was built by his parents’ unfulfilled dreams. Mula bata pa man siya ay ang mga magulang na niya ang nagdikta ng buhay niya. They wanted him to be a famous singer and so, he did his best to fulfill their dreams para mapasaya sila. Because of that, he forgot to do the things that will make him happy. He forgot himself. Being a famous artist made Luke’s tough life harder. Even though he enjoyed his career, as one of the members of Noble Power, everything started to feel heavy for him. He was getting tired of being an idol and being an obedient son that was completely controlled by his parents since he grew up and yet, they also wanted to choose the girl he would love. Napahinto siya sa pag-e-emote nang tumunog ang kanyang cellphone. He then pressed the answer button on his stereo. “Son! Where are you? Kanina ko pa s-in-end sa iyo ang meeting place ninyo ng ka-date mo today pero hindi ka man lang sumasagot,” his Mom blurted out. Napapikit siya nang mariin bago sumagot dito, “I’m on my way t—” naputol ang sasabihin niya nang magsalita na ang kanyang ina. “Really? Oh! That’s good to hear!” Naramdaman niya ang saya nito. “Ma, hin—” “Enjoy your date! Balitaan mo ako, ah? Bye!!!” Napabuntong hininga siya nang bigla siya nitong babaan. Hindi pa kasi siya tapos magsalita. He’s actually on his way to Bulacan kung saan siya magre-relax, opposite sa meeting place na sinasabi nito para sa in-arrange nitong date niya. He lost count of how many dates his mother had arranged for him. No’ng una, pumupunta siya para mapabigyan ang ina pero hindi na niya kaya. He didn’t have any freedom left in his own life that’s why he sought to live outside the shadow of his controlling parents. He also wanted to fall in love again with a girl his heart would choose in the future just like every normal people. Pero hindi siya hinahayaan ng kanyang mga magulang na gawin iyon. He wanted to take a break and breathe. He wanted to relax and stop thinking about his life for a moment. He wanted to be free even just for a day. Huminto si Luke sa pagda-drive nang may madaanan siya na isang tulay kung saan napakaganda ng tanawin. Mahilig siya sa ganoong mga lugar dahil nare-relax siya. Inilabas niya ang kanyang ulo sa bintana na nasa gilid niya saka siya pumikit ng mariin at dinama ang malamig na simoy ng hangin. It’s refreshing… Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay inilibot naman niya ang tingin sa paligid. Wala masyadong sasakyan ng dumaraan doon, ni isang tao ay wala ring makikita. Hanggang sa napadako ang tingin niya sa may bandang dulo ng tuloy kung nasaan nakatayo ang isang babae malapit sa gilid no’n. Nakaramdam si Luke ng kaba sa kanyang puso. “Miss!” sigaw niya. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang pagtapak nito sa may guard rail ng bridge. “Miss! Huwag!” sigaw niya muli. Hindi ata siya narinig nito. Lumabas na siya sa kanyang kotse at saka tumakbo palapit sa kinaroroonan ng babae. Tila magpapakamatay pa ata ito roon kung kailan naman niya ine-enjoy ang view na natatanaw niya. Ayaw niyang maging isang kagimbal-gimbal na experience sa kanya ang pag-e-emote niyang iyon. “Miss! Miss, please! Huwag mo ituloy iyan! H-huwag ka magpakamatay!" sigaw niya habang tumatakbo. Hindi siya nito nilingon man lang kaya naisip niya na desidido na nga ang babae sa gagawin nito. Hindi niya iyon hahayaang mangyari. “Miss! H-Hi… Hindi mo pa nakikita nang tuluyan ang ganda ng buhay. Ha… M-Marami pang dahilan para magpatuloy ka. H-Hindi ito ang solusyon, okay?” Hiningal niyang sabi nang makalapit na rito pero hindi pa rin siya nito pinapansin. Natatakot naman siya na bigla na lang itong hawakan dahil baka tumalon ito bigla sa bridge na iyon at ikamamatay niya kapag nangyari nga iyon. Takot siya sa dugo at lalong takot siya sa mga ganoong pangyayari. Nakita niya ang gilid ng mukha ng babae at masasasabi niyang maamo ang itsura nito. Nakasuot din ito ng puting dress na bagay na bagay dito. Para itong isang anghel na galing sa langit. Nabalik ang diwa niya nang tumapak ang babae sa kasunod na guard rail kaya lalo siyang kinabahan. Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang kaba. Tagaktak din ang pawis niya sa kanyang noo. Hindi pa siya nakaka-witness ng ganito sa tanang buhay niya kaya hindi niya alam ang gagawing approach sa babae. Nagulat siya nang biglang humarap sa kanya ang babae pero nanatili itong nakatayo roon sa guard rail. Napakunot ang noo nito nang makita siya. “Miss! Please… Huwag na. H-Huwag ka nang tumalon, okay? K-Kung may problema ka, puwede nating p-pag-usapan…” saad niya sa kaharap. “I-I will listen… Please…” “Sino ba ang nagsabing tatalon ako?” sagot nito nang nakakunot pa rin ang noo. Hindi lang mukha nito ang mala-anghel pati na rin ang boses nito. “A-Ah… N-Nakatayo ka kasi riyan…” Itinuro niya ang guard rail. “Kaya, a-akala ko ay may balak kang magpakamatay.” Tiningnan lang siya nito nang matalim. “Puwede bang bumaba ka na riyan?” pakiusap niya. Hindi pa rin kasi natatanggal ang kaba niya. Nakahinga si Luke ng maluwag nang tumalon ito pababa sa guard rail. Tila nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib. Hindi siya nito pinansin at naglakad na palayo sa kanya. “Teka…” Pigil niya sa babae. Hinawakan niya ang braso nito kaya lumingon ito sa kanya. “Ah… S-Sorry. Hindi ako masamang tao, okay?” “Ano bang kailangan mo?” tanong nito. “W-Wala ka man lang bang sasabihin sa akin?” balik niyang tanong. “Ano naman ang sasabihin ko sa iyo?” Napatanga siya roon. Hindi niya kasi mabasa ang iniisip ng babaeng kaharap. “Like… Uhmmm… ‘Thank you’ o ‘aalis na ako’, gano’n?” “Kagaya nang sinabi ko, hindi ako magpapakamatay kaya hindi ako magpapasalamat sa iyo,” masungit na sagot nito saka siya tinalikuran. “Talaga bang hindi ka magpapakamatay kanina?” tanong niya ulit sabay habol sa babae. “Dinadama ko ang simoy ng hangin mula sa tulay pero panira ka ng moment,” tugon nito. Napabuntong-hininga siya. “That’s good to hear!” Humarang siya sa harapan nito. “Saan ka pupunta? Wala masyadong dumaraan dito.” “Ano naman?” “Ihahatid sana kita kung gusto mo,” alok niya. Hindi pa rin kasi siya makapante, baka bigla na lang itong tumalon sa tulay na iyon kapag umalis na siya kaya ayaw niyang iwanan ang babae. Hindi ito sumagot at nilagpasan lang siya. “Teka! Hindi nga ako masamang tao. Wala akong gagawing masama sa iyo,” paliwanag niya. “I can give you some proofs!” Napatigil si Luke nang tumigil din ang babae sa paglalakad. “Huwag mo na nga akong sundan, pakialemero!” inis nitong sabi. Kahit na pagalit na iyon ay tila hindi pa rin mukhang galit ang babae dahil sa amo ng mukha at boses nito. Gusto niyang tumawa pero pinigil niya ang kanyang sarili. Hindi niya akalain na sa mala-anghel nitong mukha ay may nagtatagong kasungitan doon. He finds her so amusing. “May pangalan ako at hindi iyon pakialamero,” sagot niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay para magpakilala rito. “I’m Luke! Luke Ramirez at your service. It’s nice to meet you!” Hindi nito inabot ang kamay niya bagkus ay tinaasan lang siya ng kilay ng babae. “It’s not so nice to meet you, pakialamero!” sagot nito. Nanlaki ang mga mata ni Luke. “Sinabi ko na sa iyo ang pangalan ko, hindi mo ba ako nakikilala?” tanong niya sabay turo sa kanyang mukha. “H-Hindi talaga? Sa guwapo kong ito?” “Bakit? Artista ka ba?” Napailing-iling naman ang babae na tila ba iniisip na baliw na siya. Nagtataka si Luke dahil hindi siya nakilala ng babae gayong sa pagkakaalam naman niya ay sikat sila ng mga kagrupo niya. Maya-maya ay may kinuha ito sa bulsa. “Oh.” Abot nito sa kanya. Inilahad niya ang kanyang kamay para tanggapin iyon. “Ano ito?” Nagulat siya nang makita ang isang piso. “A-Anong gagawin ko rito?” “Humanap ka ng kausap mo, pakialamero,” ani nito at saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi alam ni Luke kung bakit hindi niya magawang mainis sa babae. Napangiti lang siya at inilagay sa bulsa ang pisong ibinigay nito sa kanya. Tumakbo siya pabalik sa kanyang kotse at sumakay na roon. Agad naman niyang sinundan ang babae. Binagalan niya ang pagda-drive para masabayan ito sa paglalakad. “Huwag mo nga akong sundan!” singhal nito. “I just want to make sure na hindi ka nga talaga tatalon sa tulay kagaya ng sinabi mo kanina,” paliwanag niya. “Baka mamaya ay mabalitaan ko na lang na may tumalon dito na isang babae at multuhin mo pa ako.” “Ah! Hindi nga ako sinabi tatalon!” inis nitong sigaw. Napangiti si Luke dahil sa wakas ay binalingan na siya nito ulit. “Then, I’ll just make sure na makakauwi ka ng maayos sa inyo o kung saan ka man pupunta.” “Ayoko nga!” sigaw nito ulit. Napabuntong-hininga naman si Luke. “Okay. Hindi na kita kukulitin but I just want to know your name…” saad niya. “Puwede ba” “Hindi! Hindi! Hindi!” sigaw nito. Napatawa siya dahil ang cute magalit ng babae. “Hindi ba’t ang sabi ko sa iyo ay humanap ka ng kausap mo?” Hininto ni Luke ang kotse at saka ipinatong ang ulo sa bintana no’n. “Bakit pa ako maghahanap ng iba, eh, nandiyan ka na? Ikaw ang gusto kong kausap at ang gusto kong makilala.” Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito pero lalo lang siyang napangiti. Sigurado siyang may espesyal na kuwento ang nakalaan para sa kanya. Handa na siyang simulan ang pahina ng kuwento na iyon kahit hindi pa niya alam ang kahihitnan no’n. Naniniwala siya na gaya ng kanyang mga kaibigan ay magiging masaya rin ang kuwentong bubuuin niya. It’s a beginning of a more meaningful and more beautiful life. “Let’s meet again…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD