Chapter Three

1645 Words
NANG mga sumunod na araw ay sinubsob ni Drake ang sarili niya sa trabaho. Determinado siyang panindigan ang sinabi niya kay Pauleen. Hindi man lang niya ito tinatawagan, at malamang kung gagawin niya ‘yon it would only lead on agreeing to her terms. Pero habang tumatagal lalo lang tumitindi ang pangangailangan niya rito na kahit ang pagiging abala sa trabaho ay hindi kayang pawiin. Parang malapit na siyang sumuko, kaya para hindi ito mangyari ay pilit niyang dina-divert sa ibang bagay ang kanyang attention. Fortunately, nang sumunod na linggo ay nakatanggap si Drake ng tawag mula sa kanyang colleague who happens to be connected to the International Court so he needs to fly to New York to handle a difficult case. During the weekend while sitting at his desk, nag ring ang private line sa kanyang bedside table. Si Pauleen agad ang naisip niya na tatawag sa kanya kaya nagdalawang-isip siya kung sasagutin ito. Natatakot siya na pag narinig niya ang angelic voice nito at muli siyang kumbinsihin sa plano nito ay pumayag na rin siya instantly. At hindi nga nagkamali si Drake. Nang marinig niya ang boses ni Pauleen muling bumalik ang mga memories nila together. Narinig ni Drake na humikbi ito, at nang sinabi ni Pauleen na gusto niyang makita ang binata ay hindi siya nakatanggi. “Okay, I will make a reservation tonight. Eight o’clock perhaps?” “Why don’t you come over here instead and dine with me?” “Hindi ako pwede magtagal, marami akong resolutions na dapat i-draft,” pagsisinungaling ni Drake, dahil siguradong sa kama ang diretso nila the moment na pumunta siya sa mansyon. “Okay I’ll be waiting for you.” Halatang dismayado si Pauleen. Hindi pa nakakahinto ang kotse ni Drake ay lumabas na si Pauleen ng mansyon. Nakangiti ito na parang nang-aakit. Suot niya ang paboritong damit ni Drake, litaw na litaw ang hubog ng katawan. Alam ni Drake ang strategy ni Pauleen, alam kasi nito ang kanyang kahinaan. But Drake has no intention of giving up to her. Kung mahal siya ni Pauleen, pakakasalan siya nito. May mala-mansyon siyang bahay at sapat na pera sa bangko. His career is booming and he even have a brilliant future. Dinala siya ni Drake sa restaurant na madalas nilang puntahan. Tahimik dito at nakakapag-usap sila ng maayos. “Na-miss mo ba ako?” tanong ni Pauleen, nakatitig ito kay Drake habang umiinom ng wine. “Kailangan ko pa bang sagutin ‘yan?” “Oo, gusto kong marinig.” “Sobrang na-miss kita, every moment, every day, at gusto pa rin kitang pakasalan . . . ASAP.” Nawala ang ngiti sa magandang mukha ni Pauleen. “Akala ko pa naman nagbago na ang isip mo.” Sumimangot na ito. “Huwag naman natin sayangin ang limang taon Drake.” “‘Yan din ang gusto kong mangyari kaya nga gusto kong pakasalan ka na.” “Ayan na naman tayo, eh!” galit na sagot ni Pauleen. “Dahil ganyan ka na naman din.” “Bakit ba ganoon na lang ang tingin mo sa akin? Pinapamukha mo sa akin na mas mahal ko ang trabaho ko!” mataas ang boses na sagot nito. “I’m just being honest. Kahit gaano kita kamahal, hindi pa rin nagbabago ang isip ko, I meant every word.” “Me too. So ano’ng gusto mo mangyari ngayon?” “Maghanap ng ibang babae.” Napangiti si Pauleen sa sinabi ni Drake na parang hindi ito naniniwala sa kanya kaya nadismaya si Drake. “Narinig mo ako, Pauleen, I mean it! At kung plano mo pa ring ituloy ang kontrata mo, magpapakasal ako sa iba.” “Ganoon na lang ‘yon?” “Ganoon na lang ‘yon.” “Don’t tell me iniisip mong pakasalan si Autumn!” galit na sagot ni Pauleen. “Mas gusto pa noon ang mga kabayo kaysa lalaki.” Autumn, was Drake’s childhood sweetheart. “No, it’s not Autumn.” “At sino pa? Wala na namang iba bukod sa akin ‘diba?” “Ikaw lang. Mas magiging masaya ako at hindi maghahanap ng iba kung papakasalan mo lang ako, pero kung ayaw mo . . .” “Gusto ko ng umuwi.” Biglang tumayo si Pauleen. “At ayoko nang makipagkita ulit sa iyo hangga’t hindi ka natatauhan. Napaka-unreasonable mo at wala akong plano na makipagtalo sa ’yo. Ito lang ang tatandaan mo, kahit ano pa ang gawin mo, hinding-hindi mo ako makakalimutan.” “Hindi naman talaga madaling makalimutan ang isang tulad mo,” sagot ni Drake habang inaalalayan si Pauleen palabas ng restaurant. “Pero gusto kong gumawa ng sarili kong buhay with or without you.” Hindi sumagot si Pauleen o nagsalita man lang hanggang sa maihatid siya ni Drake sa mansyon at pagbuksan ng pinto ng kotse. “So ano? Is this goodbye?” mahinang tanong ni Pauleen habang nangingilid ang luha. “I guess so.” “Kahit na alam mong mahal kita and I want to be yours?” Humakbang si Pauleen palapit kay Drake at hinaplos niya ang pisngi nito. “Isipin mo ako habang mag-isa ka sa kama, Drake. Don’t forget how I touched you.” “Huwag mong gamitin ang kahinaan ko, Pauleen, it won’t work.” “I need you, and I want you to realize that you want me more.” “You’re right, but I am determined to fight it.” “Well, you will definitely lose, Drake, pero ‘wag ka mag-alala gagawin ko ang lahat para maging masaya ang pagkatalo mo.” Pagkasabi nito ay pumasok na si Pauleen sa mansyon. Bumalik na si Drake sa kotse at mabilis na lumayo. Magsisimula na siyang tanggapin na hindi madali ang magiging buhay niya sa mga susunod na mga araw. Muling isinubsob ni Drake ang oras niya sa trabaho to the point na pagod na siya at madalas na umiinit ang ulo. Madalas na nasisigawan niya ang kanyang mga staff kahit sa maliit na pagkakamali. But it was Roxanne who threw her notebook on the floor at lumabas ng kanyang opisina nang masigawan niyang muli sa walang kwentang bagay. Then Drake realized that he had to fix himself. Pumunta siya sa office ni Roxanne. “I’m sorry.” He apologised. “It won’t happen again.” “Siguro kailangan ko na pong masanay sa temper n’yo simula ngayon,” sagot ni Roxanne na ikinangiti ni Drake. “I’m sorry rin, Atty. Nabigla lang po ako kanina hindi ko dapat ginawa ‘yon. It’s just that I had some bad news today.” “I see. May maitutulong ba ako?” “Wala po. Thank you.” Bumalik na siya sa computer niya at nagsimula na ulit magtrabaho. Wala siyang plano na i-discuss ang personal niyang buhay kay Drake. Muling bumalik si Drake sa kanyang opisina at dinampot ang mga papeles sa kanyang table at nagtrabaho na ulit na parang walang nangyari. To loosen up a bit, nagbakasyon si Drake ng isang linggo sa Hongkong. True enough, gumaan ang pakiramdam niya. Bumalik siya sa opisina na masaya the following week. Binigay niya ang kanyang mga pasalubong sa kanyang mga staff at nabawasan ang kasiyahan niya nang malaman na wala si Roxanne dahil sa matinding pagsakit ng ulo. Nagtataka si Drake sa disappointment na naramdaman niya ngayon dahil sa absence ni Roxanne samantalang balewala lang sa kanya noon kung hindi ito magreport sa trabaho. And to top it all, he is worried about her condition. “Kailan ang balik ni Roxanne?” tanong ni Drake kay Denise, the one who temporary took Roxanne's place. “Baka raw po tomorrow, Atty.,” alanganing sagot ni Denise. “Well, siguro kailangan po niya munang magpahinga ng ilang araw?” “Ilang araw? ‘Diba sakit lang ng ulo ‘yon?” “Naku hindi lang po ‘yon ang dahilan, Atty.” “Ha? What do you mean?” “Ahhmm . . . medyo broken hearted din po, eh,” nag-aalangang sagot ni Denise. “Pero ‘wag n’yo po sabihing sinabi ko, Atty. Hintayin na lang po natin na siya ang magkwento sa inyo.” “Of course. Personal affairs of my staff is none of my business,” sagot ni Drake. “Ay oo nga po Atty. Akala ko lang po kasi nasabi sa inyo ni Roxanne na ikakasal na siya kasi tatlong taon na rin naman po ninyo siyang assistant.” “Ikakasal? Wala naman siyang nasabi.” Napatitig siya sa table niya na parang tagos hanggang flooring ang nakikita niya. “Tama ka, matagal na rin siya rito at napaka-efficient niya. It’s just that I forgot to know her personally,” nahihiyang sagot ni Drake. “Can you call her for me?” Drake pointed the telephone. Medyo gumagaralgal ang boses ni Roxanne nang makausap ni Drake at sa suspetsa niya ay umiiyak ito. “Roxanne? Si Atty. Drake ito.” “Ay sorry, Atty.  Hindi ako nakapasok ngayon,” mabilis na sagot ni Roxanne. “Na-endorse ko naman po kay Denise ‘yong mga board resolutions na pinapa-rush ninyo. Don’t worry, Atty. papasok na naman po ako bukas.” “Denise is doing good kaya nga ako tumawag sa ’yo. You may take a leave for a few days. Makakabuti sa iyo ‘yon.” “Naku thank you, Atty. Pero hindi na po kailangan. Mas gusto ko pong pumasok na ulit bukas.” Nagdadalawang-isip man, alam ni Drake na makakatulong ang magpaka-busy sa trabaho to make her better against heartache. “Okay, it’s up to you. So, see you tomorrow.” Ibinalik na niya ang receiver at tumingin kay Denise. “Shaneline will be back tomorrow. I think it would be better for her rather than stay at home weeping.” Hindi maipaliwanag ni Drake, pero masaya siya na papasok na ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD