Napansin ni Drake ang lungkot sa mga mata ni Roxanne nang pumasok ito kinabukasan. Tumayo siya nang makita itong pumasok sa kanyang opisina.
“Are you feeling better now, Roxanne?”
“Yes Atty., thank you.”
Umupo si Roxanne sa harap ni Drake and crossed her legs. She has a long and slim legs at napansin ni Drake ang balingkinitang katawan nito sa suot niyang skirt and blouse.
“It's good to see you back,” Drake said with all honesty. “Tiyak na mahihirapan akong makahanap ng kapalit mo pag nawala ka nang matagal.”
Nag-blush si Roxanne sa sinabi ni Drake. Bumagay naman ito sa magandang kutis niya. Drake felt irritated for noticing it. Hindi naman niya ito napupuna dati.
“Sana po magtagal pa ako ng maraming taon sa firm ninyo Atty.”
“Well, unless magpakasal ka na at ʼdi ka na pagtrabahuhin ng future husband mo.”
“Naku wala pa po ʼyan sa mga plano ko.”
“Glad to hear that, sorry for being so selfish of me. Pero imposible naman yata na hindi ka pa niyayaya ng boyfriend mo.”
“Niyaya po,” mahinang sagot ni Roxanne habang nakatungo. “P-pero pumunta na po siya ng France and he decided to settle there. Unfortunately, he fell in love with someone else. ʼYong tipo po ng babae na mas bagay sa kanya.”
“Bagay sa kanya? What do you mean?” nalilitong tanong ni Drake.
“Opo. Sabi po kasi niya hindi raw ako nababagay sa kanya because I'm so perfect and too attractive for him at ʼdi niya matanggap na may ibang lalaki pa ang humahanga sa akin.”
Natawa si Drake sa sinabi ni Roxanne at tila ʼdi makapaniwala. “Anong klaseng dahilan ʼyon? That's so absurd! Hindi ba dapat nga mas maging proud siya?”
“Well, sabi niya it made him feel insecure. Up to now I still don't get it.”
“I'm sorry but I think it's better that you're free of him Roxanne.”
“Yeah, I guess you're right,” pagsang-ayon ni Roxanne. “Pero hindi lang talaga madaling kalimutan, sobrang sakit na ganon ang nangyari.”
Binuklat ni Roxanne ang dala niyang notebook tanda na ready na siya sa mga dictations pero parang nagdadalawang-isip pa si Drake na magtrabaho. Naisip niya kung ano ang sasabihin nito halimbawang ikwento niya ang nangyari sa kanila ni Pauleen at ang dahilan kung bakit ayaw siyang pakasalan nito? Mag-agree kaya siya kay Pauleen o sa kanya?
Though wala naman siyang intention na tanungin ito pero ʼdi siya makapaniwalang interesado siyang malaman kung ano ang iisipin ni Roxanne. Si Denise ang dahilan kung bakit bigla siyang naging aware kay Roxanne as a person. Nakikita lang niya ito bilang isang efficient assistant sa kanyang opisina, attending to all his business needs.
He was about to pick up a file of papers to start working nang mag-ring ang telepono. Sinagot ito ni Roxanne at ipinasa sa kanya ang receiver habang bumubulong. “It's Mr. Llego.”
Common friend ito ni Drake at Pauleen. “Hello Benson, tatawagan na sana kita naunahan mo lang ako.”
“Oh no, it's not about business,” mabilis na sagot ni Benson. “May extra tickets kasi ako sa dinner concert ni Martin Nievera mamaya, alam ko namang favorite mo ʼyon. Baka gusto n'yo sumama ni Pauleen?”
“Gusto ko sana pero hindi ko lang alam kung available si Pauleen mamaya.”
“Ha? Akala ko alam mo lahat ang where abouts niya pare. Anyway, kelan nga pala ang wedding?”
Hindi agad nakasagot si Drake at bago pa man siya sumagot ay muling nagsalita si Benson. “Oops sorry pare na-pressure ka yata.” Tumawa ito.
“Medyo.” Tumawa din si Drake. “Sorry pare I have to cut your call may client kasing naghihintay sa akin,” pagsisinungaling ni Drake.
“Okay, pero paano mamaya? Makakasama ka ba?”
“Pwede ba akong magsama ng iba in case Pauleen is not available?” tanong na sagot ni Drake.
“Sure. Sige see you tonight.”
Pagkababa ni Drake ng receiver napaisip siya kung sino ang pwede niyang isama. Napatingin siya sa kanyang address book pero tinamad siyang buksan ito. Nagdalawang-isip siya kung sasama pa siya.
“Babalik na lang ba ako Atty.?”
Biglang napahiya si Drake, nakalimutan niya na naghihintay pa nga pala sa kanya si Roxanne. Tumango na lang siya at ʼdi niya naiwasang mapatitig sa dalaga habang naglalakad palabas ng kanyang opisina. Nang bubuksan na ni Roxanne ang pinto muli niya itong tinawag.
“Ahm Roxanne!” tumigil ito at lumingon kay Drake. “Are you free tonight? Invite sana kitang manood ng concert ni Martin Nievera.”
Hindi makapaniwala si Roxanne sa imbitasyon ni Drake kaya hindi siya agad nakasagot. Naisip niya na baka nagkakamali siya ng dinig.
“Ahhm k-kung busy ka okay lang naman.”
“Hindi naman ako busy Atty.,” nahihiyang sagot ni Roxanne. “Sige po I would be delighted to come. Meron po ba kayong client na imi-meet?”
“Of course not. Hindi ba ako pwedeng mag-unwind?” nakangiting tanong ni Drake.
“Ahh hindi naman sa ganon Atty. akala ko kasi-”
“Okay be ready by seven, susunduin na lang kita. Just leave your address.”
Hindi na nakaimik si Roxanne. Tumango na lang siya at lumabas na ng opisina ni Drake.
Hindi normal kay Roxanne na nahihirapan sa pagpili ng isusuot na damit, pero ngayong gabi nakadalawang beses siyang nagpalit bago siya nagdesisyon na simpleng black dress na off-shoulder ang isuot. Perfect match ito sa kanyang maputing kutis. Bago siya umuwi kanina ay bumili muna siya ng bagong set ng make-up. Pinili niya ang shade na hindi pa niya nagamit kahit kailan, dark blue. Siguradong mapapansin ang kanyang mga mata lalo na pag nilagyan pa niya ito ng mascara to darken her long eye lashes and red lipstick to highlight the curve of her lips.
Ang buhok niya talaga ang pinakamaganda niyang feature. Inilugay niya ito sa pagkakapusod at hinayaan niyang bumagsak sa kanyang balikat. Siguradong hindi matutuwa si Arthur kung makikita niya na nakalugay ito. Drake would also be surprised to see her. Sanay itong makita si Roxanne na mukhang manang dahil laging naka-coil ang kanyang buhok. Hindi na rin siya naglalagay ng kolorete simula ng naging sila ni Arthur to hide her natural beauty. Beauty? Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Maganda siya at wala ng reason para itago pa niya ito, ngayon niya na-realize na napakalaking tanga niya para sumunod sa kagustuhan ni Arthur.
But somehow, it started with her father. She had realized kung gaano kabilis na-attract ang kanyang Daddy sa magagandang babae. Natakot si Roxanne na ma-attract din sa striking beauty niya ang mga unfaithful na lalaki, kaya itinago niya ang kanyang totoong appearance to the point na halos mag-disguise na siya. But then, nahirapan pa rin si Roxanne na itago ito and still drew attention dahil hindi maaring i-disguise ang height niya or the perfect proportion of her slender body. Si Arthur lang ang nag-convince sa kanya na gawin ang mga bagay na labag sa loob niya pero dahil mahal niya ito, lahat ay sinunod ni Roxanne. And now, she realized how fool she had been. Ilang linggo pa lang si Arthur sa France ay na in love agad ito sa ibang babae. Nagawa pa nitong sumulat kay Roxanne para ipaalam ang nangyari, humingi ito ng tawad at nakiusap na palayain na siya, and eventually called their engagement off.
At dahil dito, nagdesisyon si Roxanne na palayain na din ang sarili niya. She planned to go shopping this weekend para bumili ng mga bagong damit na babagay sa bago niyang image.