Nakatanggap si Roxanne ng text message kay Drake na si Mang George, ang driver nito, ang susundo sa kanya dahil may importante lang daw siyang aasikasuhin. Umupo muna si Roxanne sa lobby habang naghihintay kay Mang George. Nang dumating ito ay nagtaka si Roxanne dahil dumiretso ito sa information para sabihin sa front desk officer na dumating na siya. Napangiti si Roxanne dahil hindi siya nakilala nang driver, kaya lumapit siya kay Mang George at nginitian ito. Saglit na tinitigan ni Mang George ang babaeng nakangiti sa kanya at saka pa lang niya nakilala si Roxanne. Hindi ito nag-comment pero nahalata ni Roxanne na nagulat ang driver sa bago niyang look.
Napangiti itong muli nang tumanggi si Roxanne na umupo sa back seat at sa halip ay sa unahan siya umupo.
“Ganyan din po si Atty.,” sabi ni Mang George. “Maliban na lang kung may kailangan siyang gawin, saka lang po siya umuupo sa likod.”
Ngumiti lang si Roxanne sa sinabi ni Mang George at hindi na nag-comment. Ayaw niyang pag-usapan ang kanilang boss, though it made her wonder kung ano ang itatawag niya kay Drake mamaya. It would seem odd kung Atty. ang itatawag niya dito, pero hindi naman niya kayang tawagin itong Drake not unless sinabi niya.
Habang nabyahe sila papunta sa bahay ni Drake, hindi maiwasang mag-isip ni Roxanne kung bakit bigla na lang siyang inimbitahan nang binata. Aware naman si Roxanne na hindi na nakikipagkita si Drake kay Pauleen dahil napuna niya na hindi na tumatawag ang dalaga kay Drake at mas naging workaholic pa ito. Hiwalay na kaya talaga sila o may LQ lang?
Roxanne was hoping na hiwalay na nga sana sila at makakilala ng ibang babae si Drake, ʼyong hindi selfish na tulad ni Pauleen. To Roxanne, it's very obvious na ʼyon ang dahilan ng pag-imbita sa kanya ni Drake. Marahil ay galit lang ito at hindi sanay na walang ibinabanderang babae.
Ito ang kasalukuyan niyang iniisip nang makarating sa napakalaking bahay ni Drake. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakarating si Roxanne rito and she was impressed by the interiors lalo na ang pinagsamang library at drawing room where the household led her. Iba't-ibang klase ng photos ang nakadisplay sa wall at sa ibabaw ng furnitures. Lahat ng tables ay may mga nakalagay na fresh flowers na nagko-compliment sa color ng kurtina. Dahil mahilig magbasa si Drake, marami itong collections ng iba't-ibang klase ng libro sa shelves.
Tumayo si Drake nang makita niya na pumasok si Roxanne. Lalo si Drake tumangkad tingnan sa suot niyang dark formal jacket. Ngumiti ito kay Roxanne, though he did not come forward, but remained standing as Roxanne moved towards him. Bumagay ang liwanag na nag-reflect sa buhok ni Roxanne mula sa loob ng kwarto. Roxanne knew that he liked what he saw dahil hindi na ito nakakilos at inintay na lang na makalapit siya. Pero bago tuluyang lumapit si Roxanne ay bigla siyang huminto.
“Did I meet your standards, Atty.?”
“Without a doubt! And by the way, call me Drake.” Muli niyang tiningnan si Roxanne na puno nang paghanga. “I was a bit confused if it's really you when you entered. I'm sure maraming maiinggit sa akin pag nakita nilang kasama kita. At hindi tulad ng ex-fiance mo, it will be my pleasure to show you off.”
“Let's not talk about Arthur, please,” sagot ni Roxanne.
“Why not? Hindi mo na ba siya naiisip?”
“Of course.”
“So bakit ka natatakot na pag-usapan siya? It's the best way to get him out of your system.”
“Okay, sinabi n'yo Atty. eh.”
“You're not as obedient as I thought Roxanne. I said call me Drake.”
“Bakit Atty. wala na tayo sa office ngayon kaya siguro naman I can do what I want without being mandated?” nakangiting sagot ni Roxanne.
“Naninibago talaga ako sa'yo Roxanne. You don't look the same, but tell me, sino ang totoong Roxanne? ʼYong business-like woman with a bun at walang make-up, or the excitingly attractive lady in front of me right now?”
“Kailangan ba na mamili ako? Hindi ba ako pwedeng maging pareho?”
“Well, hindi ako sigurado if the two are compatible.”
Hindi sumagot si Roxanne, naisip niya na may point si Drake.
“Anong mangyayari tomorrow?” tanong ni Drake. “Sinong Roxanne ang makikita ko sa office?”
Ngumiti si Roxanne. “Kung sino ang kaharap mo ngayon.”
“Ibig sabihin ba n'yan ay naka-move on ka na?”
Saglit na nag-isip si Roxanne. “No, it means I have stopped thinking about somebody else's past.” Kasama na d'yan ang paglimot sa lungkot at hirap na naranasan ng Mommy niya at galit na nararamdaman kay Arthur. “Simula ngayon, ang totoong Roxanne Tolentino na ang makakasama n'yo.”
“Okay, and let's drink to that!” Binigyan siya ni Drake ng red wine at sabay silang uminom.
Pagkatapos nila uminom ay inalalayan ni Drake si Roxanne sa paglabas ng bahay. Hindi sanay uminom si Roxanne kaya kahit red wine ay tinamaan siya. Medyo uminit ang pakiramdam niya.
Magkatabi silang umupo sa back seat, Roxanne realized na hindi siya nagkaroon man lang ng pagkakataon sa loob ng mahigit tatlong taon na mapalapit sa boss niya. Mukhang relaxed si Drake pero nararamdaman ni Roxanne ang tensyon nito. Humarap ito ng bahagya sa kanya at naamoy ni Roxanne ang napakabangong aftershave lotion na ginamit niya. Sumandal naman si Roxanne at kinausap ang sarili na huwag mag-expect ng kahit ano sa gabing ʼyon. Naisip din niya na katatapos lang niya sa isang painful relationship at isang kalokohan ang agad siyang magmahal at lalo pa ang pagnasahan ang boss niya!
Kaya ka lang inaya ni Drake dahil ikaw ang pinaka-convenient girl na pumasok sa isip niya nung inimbita siya ni Benson. Pero kung date siguro ito, maaring hindi ikaw ang kasama niya ngayon!
Sa sobrang tahimik, may naisip itanong si Roxanne kay Drake. “Kung halimbawang may magtanong sa akin kung ano ang trabaho ko, sasabihin ko ba na assistant mo ako?”
“Magtatampo ako pag sinabi mong assistant ka ng iba,” nakangiting sagot nito. “Wala naman sigurong masama?”
“But...you have never taken out someone who works for you.”
“Dahil hindi ko naman alam na may kasama pala akong tulad mo sa loob ng aking opisina.”
“Excuse me Atty. hindi mo naman kailangan magsinungaling. Alam naman natin pareho na hindi sana ako ang kasama mo ngayon kung... kung...”
“I got your point,” mahinang sagot ni Drake. “And I'm really sorry.”
Hindi na sumagot si Roxanne at pareho silang nanahimik habang binabagtas nila ang concert venue.