Napakarami ng tao sa concert venue at halos ʼdi na sila magkarinigan ni Drake habang naglalakad papasok ng napakalawak na bar.
“Drake!” tawag ni Benson kay Drake na ʼdi nila namalayang nakalapit na sa kanila. Tiningnan nito si Roxanne at hindi siya nakilala ni Benson kaya lihim siyang napangiti.
“You have already met Roxanne.” Agad na sabi nito kay Benson.
“Of course not. Hindi mo pa ako naipakikilala sa kasama mo. Sa ganda niya, imposibleng makalimutan ko.”
“Well, mukhang nakalimot ka na pare.” Hinawakan ni Drake ang siko ni Roxanne. “She was in my office the last time you dropped by, with a notebook and a ballpen.”
“With a notebook and...” Nakakunot ang noong lumapit pa siya kay Roxanne. “Whoa! Roxanne? Hindi kita nakilala. You look totally different.”
“Is that a compliment?” nakangiting tanong ni Drake.
Natawa si Benson at muling tumingin kay Roxanne. “Alam ko na kung bakit hindi ka pumapasok sa opisina na ganyan ang ayos mo. Because if you did, walang matatapos na trabaho ang sinomang lalaki na makakakita sa'yo.”
“Mukhang problema nga ʼyon pare.” Drake put his hand on Roxanne's arm at dahan-dahan niyang inilapit ang dalaga sa tabi niya.
Hinayaan ni Roxanne na gawin ni Drake ʼyon dahil palabas lang naman ito. Hindi man lang ako sinabihan na may akbayan at holding hands na mangyayari, hindi ako prepared! Nasabi ni Roxanne sa sarili kaya lumayo siya ng bahagya kay Benson palapit kay Drake. Napansin ni Benson ʼyon kaya nginitian lang siya ni Roxanne. Alam niya na matutuwa si Drake sa ginawa niya, this is what he wants.
“Come on let's get inside,” yaya ni Benson kay Drake at Roxanne. “The table I reserved for us is ready.”
Ang dami na ring tao sa loob at nahirapan silang makapasok. Halos magkadikit na ang katawan ni Drake at Roxanne habang naglalakad papunta sa kanilang table. Hawak ni Drake ang kamay ni Roxanne at pinoprotektahan siya na maipit ng iba.
“Andito si Pauleen,” bulong ni Benson kay Drake. “Have you seen her?”
“Nope. Hindi pa rin kami nagkakausap for a few days. Susubukan ko siyang kausapin mamaya,” sagot ni Drake may masabi lang kay Benson. “Hindi pa din kami nagkikita simula nang mamatay si Mrs. Diaz.”
Narating nila ang reserved table na sinasabi ni Benson, where his wife and other couple were waiting for them. They were also lawyers kaya mas naging interested silang kausapin si Drake. Si Roxanne naman ay kakwentuhan ni Benson at ng asawa nitong si Julienne habang kumakain.
“Hindi ba mahirap katrabaho si Drake?” curious na tanong ni Julienne. “I bet he is quite a perfectionist and hot headed at times.”
“Pag lang hindi mo ginawa ng tama ang instructions niya.” Ngumiti si Roxanne. “Na-train naman niya ako nang maayos at close to four years na kaming magkatrabaho kaya alam ko na kung paano mag-cope up sa kanyang mga mood swings.”
“Wow! Ang tagal mo na pala kay Drake. Bakit ikaw Hon walang tumatagal sa'yong secretary?” tanong nito kay Benson.
“Hindi naman ako kasing gwapo ni Drake!” malakas na tawa ni Benson.
Habang kumakain ay sinalinan ni Benson ng wine ang goblet ni Roxanne. Hindi naman nakatanggi ang dalaga lalo na nang nagtaas ng goblet ang isang lawyer na kasama nila sa table.
“Cheers!”
Lahat ng nakaupo sa table ay nagsipagtaas din ng kani-kanilang goblet. Walang nagawa si Roxanne kundi makisabay sa kanila. Ramdam niya agad ang epekto ng wine, pakiramdam niya ay lumilindol.
Natuwa si Roxanne nang mag-announce na magsisimula na ang concert. Namataan niya si Pauleen bago mag-dim ang mga ilaw sa loob ng venue.
Gumaan ang pakiramdam ni Roxanne nang mapuno ng magagandang kanta ang buong paligid. Nakalimutan niya for a while that she is in pain because of what Arthur did. Samahan pa ng epekto ng wine.
Tiningnan ni Roxanne si Drake at tulad niya, nawala ang lungkot sa mukha nito at napalitan din ng kasiyahan.
Natapos ang concert na hindi man lang kinausap ni Drake si Pauleen gaya nang sabi nito kay Benson. Nanatili lang ito sa tabi ni Roxanne for the entire concert at nahalata ito ng kanyang mga kaibigan. Walang nagawa si Roxanne kundi sakyan si Drake.
Past midnight na nang ihatid ni Drake si Roxanne sa condo niya.
“I enjoyed the night,” sabi ni Roxanne. “Maraming salamat sa pag-imbita mo.”
“Well, mas mukhang nag-enjoy si Benson talking to you so, I guess it's his night.” Ngumiti si Drake. “Sana next time ako naman.”
“May next time pa ba Atty.?”
“Atty.? Anong nangyari kay Drake?”
“Past midnight na po Atty.,” sagot ni Roxanne. “Nagbalik na sa totoong anyo si Cinderella,” pagbibiro pa niya. “Tsaka tapos na ang palabas natin so balik na ulit tayo sa dati.”
“I see.” Drake said with a fake smile. “But I thought you are now giving up the disguise thing?”
“Nilalamig na ako Atty.,” iwas ni Roxanne sa tanong ni Drake.
“Hindi mo man lang ba ako iimbitahan sa loob para magkape? Or another round of wine perhaps? Parang nabitin ako kanina eh,” pabirong tanong ni Drake.
Hindi agad nakasagot si Roxanne. Wala naman sigurong masama? Sandali lang naman. Minsan ko lang maka-bonding si Drake. Baka hindi na ito maulit. Pangungumbinsi ni Roxanne sa sarili.
“Okay, get in. I was just kidding,” utos ni Drake kay Roxanne nang hindi sumagot ang dalaga.
“Why not?” sagot ni Roxanne nang akmang tatalikod na si Drake pabalik sa kotse niya.
Biglang huminto si Drake. “Are you sure?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Opo naman. Kaya lang don't expect ng mamahaling wine ha. Hindi ko afford bumili ng ganon,” nakangiting sagot ni Roxanne. Kahit paano ay mayroong stock ng wine si Roxanne sa kanyang condo dahil may pagkakataon na pag nag-dinner sila ni Arthur nagre-request ito ng wine.
“Okay, after you.” Iginiya ni Drake si Roxanne papasok ng elevator hanggang makarating sila sa unit ng dalaga.
Nang makapasok ng unit ni Roxanne ay napansin ni Drake ang kaayusan sa loob. Kaya naman nag-aalangan siya kung aalisin ba niya ang kanyang sapatos.
Napansin ito ni Roxanne kaya nang alisin niya ang heels na suot at makapagpalit ng tsinelas ay binigyan niya si Drake ng tsinelas na pinapagamit niya kay Arthur pag bumibisita ang huli sa kanya.
Tumaas ang kilay ni Drake dahil halos kasya sa kanya ang tsinelas.
“Ginagamit ʼyan ni Arthur--nung ex ko, pag bumibisita dito,” paliwanag ni Roxanne bago pa man makapagtanong si Drake.
Tumango lang si Drake. Pinaupo siya ni Roxanne sa sofa habang kumukuha sa cabinet ng wine at goblet.
Binuksan ni Drake ang bote at sinalinan ang dalawang goblet at iniabot kay Roxanne ang isa.
Habang umiinom ay hindi naiwasang maitanong ni Roxanne sa sarili kung bakit nga ba siya nagtagal sa firm ni Drake? May mga pagkakataon na masungit ito, at may mga natatanggap din naman siyang mga offers mula sa kanilang mga naging kliyente na sobrang impressed sa kanyang efficiency-mga kliyente na kayang magbigay ng mas malaking compensation. Pero tinanggihan ni Roxanne ang mga ito without any thought.
At ngayon lang niya naitanong sa sarili niya, Bakit nga ba? Siguro dahil masayang katrabaho si Drake. Binibigyan niya ang lahat ng kaso na hinahawakan niya with a sense of urgency. He's also appreciative of his whole staff, he gives credit where the credit is due. And aside from the bonus, he will take time to tell us personally that he really appreciates what you had done.
Nang tiningnan ni Roxanne ang oras, it was almost two in the morning. Nakakadalawang bote na sila. Kung mahina siyang uminom, mukhang mas lalo si Drake.
Tinitigan ni Roxanne ang gwapong abogado. It was like looking at a stranger. Magulo ang buhok nito at nangangalumata. Unexpectedly, she felt sorry for Drake. Poor Drake! He must be in so much pain.
At nang humilig si Drake sa ibabaw ng lamesa dahil sa kalasingan, hindi napigilan ni Roxanne na haplusin ang pisngi nito.
Naalimpungatan si Drake nang may humaplos sa kanyang pisngi. Hinawakan niya ang kamay ni Roxanne at dinala ito sa kanyang mga labi. Hinalikan ni Drake ang palad ni Roxanne at unti-unti niyang inilapit ang mukha ng dalaga sa kanya.
“I want you, Pauleen,” bulong ni Drake sa leeg ni Roxanne. "Huwag mo naman akong itaboy. Not tonight, please.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Roxanne nang marinig na si Pauleen ang sinambit ni Drake. Ngunit wala ng pakialam si Roxanne. Hindi siya makatanggi sa mga halik at yakap ng binata. Animo ay tubig na sumasabay sa alon. All she wanted is to ease the hurt in Drake's eyes.
His hands moved over her body and his chest was pressed on her breasts. Mabilis ang paghinga ni Drake na akala mo ay galing sa pagtakbo o sa isang laban.
“Wait!” biglang nasabi ni Roxanne nang maalala na wala pa siyang karanasan sa pakikipagtalik. “I'm a vir--” I'm a virgin tonight, pero mukhang bukas hindi na. Bahala na!
Hindi na natapos ni Roxanne ang sasabihin dahil sa paglapat ng labi ni Drake sa kanyang mga labi habang ang mga kamay nito ay banayad na naglalakbay sa kanyang katawan. She could no longer resist him. She longed to be taken by him, only him.
His kisses covered her words at hindi na ʼyon narinig ni Drake. They became one that night.