Chapter Seven

1152 Words
Nagmulat ng mata si Drake at tumitig sa light blue na kurtina kung saan matatanaw ang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. “Light blue na kurtina? Pero maroon ang kurtina ko sa kwarto,” nagtatakang tanong ni Drake sa sarili. Mabilis na bumangon si Drake. Asan ba ako? Nagbalik sa alaala niya ang nangyari kagabi. Tumingin siya sa gilid niya at nakita si Roxanne na natutulog sa tabi niya. “Roxanne?” halos pabulong na tanong ni Drake sa sarili. Anong ginagawa ni Roxanne sa tabi ko? Saka lang rumehistro sa kanya ang nangyari kagabi. Napaungol si Drake sa galit sa sarili, he buried his head in his hands at hiniling na sana ay maibalik niya ang oras simula nung nagdaang araw. Pero alam niyang imposible, at hindi niya makakalimutan ang ginawa niya kay Roxanne for the rest of his life. Dahan-dahan siyang humarap kay Roxanne so he could study her carefully. Naka-spread ang kanyang buhok sa unan, and the movement of her breasts as she turned slowly on the pillow made him long to rest his face against her soft skin. Tumungo siya palapit sa mukha ng dalaga. Relaxed na relaxed ito habang natutulog. She looks very vulnerable, making him realized how carefully she had disguised her feelings and her real self. Gusto niyang haplusin at yakapin palapit sa kanya si Roxanne so he could feel once more the softness of her body. Sa mga oras na ʼyon, muli na namang nakaramdam si Drake ng desire para kay Roxanne. Pero nangibabaw ang konsensiya niya, kaya mabilis siyang tumayo at pinulot ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig. Mabilis na nagbihis si Drake. Kinumutan niya si Roxanne bago tuluyang umalis. Binuksan ni Drake ang bintana ng kanyang kotse habang nagmamaneho papunta sa bahay niya. Nakikinig lang siya sa ingay ng mga sasakyan. Pero hindi nagtagal at muli na naman siyang nakaramdam ng galit sa sarili. How could I be so aggressive and insensitive? My God Drake, she's a virgin! Pagdating sa mansyon ay agad na naligo si Drake. Matagal siyang nagbabad sa bathtub para mag-isip ng sasabihin kay Roxanne oras na magkaharap sila sa opisina mamaya. Samantala, nang magising si Roxanne ay nakaramdam siya nang pagsakit ng ulo. Marahil ay epekto ng nainom nila kagabi. “Hala! May nangyari kagabi!” halos pasigaw na sabi ni Roxanne. Sinilip niya ang hubad na katawan na nababalutan ng kumot. “I had s*x with my boss! Anong ginawa mo Roxanne? Napagkamalan ka lang niyang si Pauleen! Bakit ka pumayag? Hindi ka naman niya mahal! Ang shunga-shunga mo!” galit na sabi ni Roxanne. Sinabunutan niya ang buhok at mahinang sinampal ang mga pisngi. Tumayo si Roxanne at dinampot isa-isa ang mga damit na nagkalat sa sahig. Nagsuot ng robe at nagmamadaling pumasok sa shower room. Habang nagsa-shower ay hindi na naman maiwasan ni Roxanne na pagalitan ang sarili. Ilang beses na nagtangka si Arthur na gawin ʼyon pero hindi mo pinagbigyan! Tapos si Drake na napagkamalan ka pang girlfriend niya, pumayag ka? Tanga! She was very curious to know kung bakit biglang naging indifferent si Drake kay Pauleen. Sa pagkakatanda ni Roxanne, ito ang pinakamatagal na nakarelasyon ni Drake simula nang magtrabaho siya sa firm nito. Mabilis si Drake magpalit ng girlfriend, parang damit lang. Kahit ang mga single ladies sa opisina ay panay ang pagpapa-cute sa kanya, pero deadma lang si Drake. He has one rule that he never breaks, that is never mix business with pleasure. Pero nagbago ʼyon nang imbitahan ni Drake si Roxanne kagabi. Hindi naman kasi talaga pleasure ʼyon! Palabas lang ʼyon para siguro pagselosin lang si Pauleen. Huwag ka ngang praning! pagkumbinsi ni Roxanne sa sarili. Naalala pa ni Roxanne kung paano nagsimula ang relasyon ni Pauleen at Drake. Matagal ng kliyente ng firm ni Drake ang pamilya ni Pauleen. Madalas na ang mga magulang ng dalaga ang nagpupunta sa opisina. Until three years ago, nagsimula nang pumasyal si Pauleen and involved herself dahil nagkakaroon na ng mga problema sa kanilang finances. Nagsimula lang sa mababaw na flirtation tapos pinabili ni Drake si Roxanne ng bulaklak para kay Pauleen. Then later on, si Drake na mismo ang pumipili ng bulaklak na ibibigay niya kay Pauleen, which means na lumalalim na ang interest niya sa dalaga. Pero ngayon, mukhang tuluyan ng natapos ang kanilang relasyon. Pero kung ganon man ang nangyari, bakit mukhang si Drake ang depressed? nagtatakang tanong ni Roxanne. So what now Roxanne? Ano pala ʼyong nangyari kagabi, wala lang ʼyon? Malamang! Lasing lang kayo pareho. Basta ka na nga lang nilayasan nung Drake na ʼyon! Dali-daling lumabas ng shower room si Roxanne nang maramdaman na nilalamig na siya. Mabilis siyang nagbihis at naghanda sa pagpasok. Mabuti na lang at hindi na-late si Roxanne. Napaka-awkward ng pakiramdam niya nang pumasok sa opisina ni Drake. “G-good morning Atty.” bati ni Roxanne kay Drake. Nakatungo si Drake dahil may binabasang mga dokumento. Tumango lang ito nang batiin ni Roxanne. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang dalaga. Ang hudas na ito! As in deadma lang? Ang kapal ng mukha! Matapos mong kunin ang virginity ko! Ganyan lang! Naputol ang pag-iisip ni Roxanne nang biglang magsalita si Drake. “Pakigawa na agad ʼyong mga demand letters para sa mga employees ng RB Pawnshop na may mga cases.” Sumandal si Drake sa kanyang swivel chair at tumingin kay Roxanne. “Please bring them once you're done. Pagka-sign ko, have them delivered right away.” seryosong utos ni Drake. “Ready na po ito in less than one hour Atty.” tipid na sagot ni Roxanne. Tumango lang si Drake, lumabas naman si Roxanne na disappointed. She had noticed na hindi man lang siya nito tinawag sa pangalan niya. Nagtataka rin siya sa cold treatment sa kanya ni Drake. Deadma lang talaga? As if nothing happened! Magkahalong inis at lungkot ang nararamdaman ni Roxanne nang bumalik sa kanyang opisina para gawin ang instruction ni Drake. As promised, bumalik si Roxanne na dala ang mga sulat within the hour. May kausap si Drake sa cellphone and Roxanne knew that he was talking to Pauleen sa tono ng pananalita nito. Nang ipinatong ni Drake ang cellphone niya sa table at kunin ang dala ni Roxanne na folder, mas nasiguro niya ang hinala niya dahil nakasimangot ito at halatang galit. Mabilis niyang pinirmahan ang mga sulat at ibinalik kay Roxanne ang folder. “Pagkabigay mo nito kay George, come back here,” seryosong utos nito. “Let's talk.” Hala! Let's talk daw! Nakakakaba naman ito. Tumango lang si Roxanne. Hinanap niya agad si Mang George at inabot dito ang mga sulat. Parang may nagkakarerang mga kabayo sa kanyang dibdib. Sa halip na bumalik sa opisina ni Drake ay dumiretso siya ng pantry para uminom ng tubig. Kinalma niya muna ang sarili bago tuluyang pumunta sa opisina ni Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD