Napakahaba ng flight, mabuti na lang na nasa first class sina Drake at Roxanne kaya may enough area sila to rest. Pero naiinggit si Roxanne kay Drake dahil relax na relax ito buong byahe. Samantalang ang pakiramdam ni Roxanne ay pagod na pagod sa matagal na pagkakaupo. Naisip ni Roxanne na marahil ay dala lang iyon ng pagbubuntis niya. Alam ni Roxanne na nagulat si Drake nang malamang wala siyang masyadong napuntahan na ibang lugar. Hindi na siya nagpaliwanag kung bakit ang isang single na tulad niya had a little opportunity to travel to other places. Hindi naman kasi sanay si Drake na ang mga nakakasalamuha niya ay kapos sa pera. Pero ngayon pakiramdam ko ay isa na rin ako sa mga mayayamang nakakasalamuha ni Drake. Siguradong gusto niya na presentable ang mga damit na isusuot ko. Kaila

