Bago matapos ang cruise nila, pagod na pagod ang pakiramdam ni Roxanne samantalang si Drake ay punung-puno pa rin ng energy. Mas lalo pang naging tan ang kutis niya dahil sa init ng araw, ganon din si Roxanne. It's their last night at pareho nilang pinili na mag-dinner sa labas ng yacht. Naka-long housedress lang si Roxanne which is a combination of baby blue and pink at nakalugay ang buhok hanggang sa kanyang balikat. “Dapat laging ganyan ang buhok mo,” komento ni Drake, and Roxanne realized na pinagmamasdan pala siya nito. Pinilit ni Roxanne na maging composed bago magsalita. “Ayoko kasi na sumasayad sa mukha ko ang buhok ko lalo na pag mainit ang panahon.” “Then let it loose pag gabi,” giit ni Drake. “Eh hindi ba mas mukhang sophistacated tingnan ang babae pag nakataas ang buhok?”

