Dalawang araw na namalagi si Drake sa kanyang kwarto. Pinatay niya ang kanyang cellphone para walang makatawag o maka-text. Pinagbilinan din niya si Manong Rodel na huwag siyang aabalahin. At kung sakaling may darating na ibang tao sa mansyon ay sabihing nag-out-of-town siya. Sinamantala niya ang mga araw na iyon upang makapag-isip ng maayos. Nagdesisyon si Drake na kausapin si Pauleen kinabukasan. Aaminin niya dito ang totoo niyang nararamdaman para kay Roxanne. Na mahal niya ang kanyang asawa at hindi niya kayang iwan ang kanyang mag-ina. Ipapangako niya kay Pauleen na hindi niya papabayaan ang kanyang anak dito. That he will give his unconditional love and full support to their child. Batid niya na iyon ang pinakatamang gawin upang maitama ang lahat ng kanyang pagkakamali. Kaya nam

