“Maam, andito na po tayo,” sabi ng taxi driver kay Roxanne. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya napansin na nakarating na pala sila ng Rockwell. Kumuha ng pambayad si Roxanne at iniabot sa driver. Pumasok siya ng mall nang makababa ng taxi. Napakarami ng tao sa mall kaya mabilis na nakaramdam ng pagod si Roxanne. Nagpahinga lang siya ng konti at naglakad na naman papunta sa mga boutiques. Nagkainteres siyang tingnan ang magagandang damit, sapatos at bags na naka-display. Pero wala naman siyang plano na bumili. Napadaan siya sa isang eleganteng restaurant. Doon ay may nakita siyang mga foreigners pero karamihan ay mga Amerikano na kumakain din. Naalala pa niya noon, pinangarap din niyang magtrabaho sa US. Kung sineryoso niya ʼyon, malamang ay wala siya ngayon sa miserableng sitwasyon

