Hinintay ni Roxanne na makaliko ang sasakyan ni Drake hanggang hindi na niya ito natatanaw bago siya pumasok ng mansyon. Malungkot niyang pinagmasdan ang loob. Parang walang buhay dahil wala ka Drake. Hindi na baleng busy ka lagi sa trabaho mo at least andito ka lang, nakikita ko at kahit papaano ay nakakasama. Pero ngayon, tahimik ang paligid. Parang hindi ko kaya na wala ka. Hays! Malungkot siyang pumunta sa drawing room at pagkatapos ay sa garden. Ngayon na lang ako maghahanap ng property sa probinsya na gustong bilhin ni Drake. Pero natigilan si Roxanne. Mukhang sayang lang naman ang effort ko. Hindi niya nakikita ang sarili na kasama si Drake sa darating na mga taon. At lalo namang ayaw niyang ihanap si Drake ng tahanan and eventually share it with another woman. Bakit ba ako naghih

