“Nikki, okay na lahat, ha? ‘Yung mga bata prepared na sa mga dance number nila? Ang pagkain si Tessa na ang bahala. Kailangan perfect ang program natin na ito para hindi tayo mapahiya sa sponsor natin,” sabi ni Principal Jane sa akin. Natawa lang ako. Kahapon pa walang tigil sa paalala sa amin ang principal. “Okay na lahat, Ms. Jane. Huwag na kayong mag – alala,” natatawang sabi ko. “’Yung welcome banner naikabit na ba sa labas ng school? Ang alam ko kasi kasama ang may – ari ng JJJ Constructions.” Sabi pa nito. “Kumpleto na lahat, Ms. Jane. Pumunta na kayo sa stage kasama ng ibang mga members ng foundation. Ako na lang ang maghihintay sa guest of honor natin,” sabi ko. “Naku, mabuti pa nga. Kanina pa ako kinakabahan, eh.” Natatawa akong tinungo ang labasan ng school. M

