NAGISING si Jella dahil sa tunog ng cellphone niya. Kisame ng living room niya ang bumulaga sa kaniya. Nakahiga siya sa sahig na malapit sa veranda na kasalukuyang bahagyang nakabukas ang glass doors kaya pumapasok ang hangin. Napabalikwas siya ng bangon. Nahulog ang sketchpad na nakapatong nga pala sa kanyang tiyan bago niya nakatulugan. Nabitawan niya ang lapis na hawak niya at ngayon ay nasa paanan na niya. She has been sketching all day. Na tanging ginagawa niya sa nakaraang dalawang linggo. Hindi lamang fashion designs ang ginuguhit niya kung hindi lahat ng bagay na nakikita niya. Mas nakatuon siya sa pag-eensayo para sumunod ang kamay niya sa gusto niya kaysa sa pag-iisip ng disenyo. Lahat na yata ng makikita sa condo niya ay naguhit na niya. Maging ang tanawin sa la

