HINDI inaasahan ni Derek na mauuwi sa pagbabalikan nila ni Jella ang pagpunta niya sa condo nito. Pero hindi siya nagrereklamo. Katunayan ay natutuwa pa siya na dumating ang pagkakataon na iyon. Kaya nga hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Dalawang linggo na mula nang huli silang nagkaharap at hindi niya natiis na hindi ito makita o marinig man lang ang boses nito kaya nang makakuha ng libreng oras ay sumugod siya agad doon. Nang makahalata siya na iniiwasan siya ng dalaga ay parang may sumuntok sa dibdib niya. Pero nang malaman na niya ang rason nito ay nabuhay agad ang dugo niya. Higit sa lahat ay ang pag-asa na mahal pa rin siya nito. That she still wants him. Kaya nang makompirma niya ang nadarama nito ay labis ang pagpipigil niyang halikan ito ng mariin sa mga labi. N

