HINDI NAKAPAGSALITA si Dina. Naging mabait ang ngiti ni Jella. “Alam ko na naiintindihan mo ako. Dahil kahit naiinis ka sa akin ay marami tayong magkakapareho. You are also a strong-willed, independent and career-oriented lady. Hindi mo lang ako matanggap dahil ayaw mo ibigay sa akin ang kuya mo. I might prioritize my work but I will not stop loving and caring for him, Dina.” Humigpit ang hawak ni Derek sa kamay niya. “Hindi ko siya gustong magbago. I fell in love with her because she’s passionate and goal-oriented. Hindi niya ako kailangan maging first priority ngayon. Masaya na ako na makita siyang masaya na ginagawa niya ang career na passionate talaga siya. Marami na siyang pinagdaanan para marating kung nasaan siya ngayon. I don’t want her to stop becaus

