KAILAN KA BABALIK? Jella and I got back together and we are hosting a dinner party before she goes back to New York. Nanghihinayang na napatitig lamang si Benedict Barcenas sa text message ni Derek sa kaniya. Ilang linggo na siyang hindi nakakabalik sa Bachelor’s Pad at sa totoo lang ay kating-kati na siyang umuwi. Gusto na niyang magpahinga sa sarili niyang bahay. Hindi siya komportable na nananatili sa isang hotel room o kahit ano pang matutuluyan na hindi niya pag-aari. Mas lalo siyang hindi komportable sa isang Inn kung saan siya tumutuloy sa nakaraang mga linggo dahil wala namang ibang malapit na hotel sa lugar kung nasaan siya. Nasa liblib na bayan sa Rizal si Benedict. Pinuntahan niya ang ekta-ektaryang kabundukan na nabili ng Barcenas Real Estate sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


