NAPAKURAP si Jella at gulat na napatingala nang maramdaman ang marahang haplos ng mainit na kamay sa ulo niya. Huminto sa paggalaw ang kamay niyang may hawak na lapis nang makita niya ang mukha ni Derek. Masuyo siya nitong nginitian. “Gabi na. Kumain ka muna.” “Ha?” Gulat na napalingon siya sa veranda. Madilim na nga sa labas. Hindi niya namalayan. Nakokonsiyensiyang ibinalik niya ang tingin sa binata. “Sorry. Nasayang ko ang araw mo. Hindi ko napansin na ilang oras na pala akong gumuguhit.” “It’s okay,” nakangiti pa ring sagot nito at umupo pa sa tabi niya. May masuyong kislap sa mga mata ng binata at napansin niyang hindi nito inaalis ang kamay sa ulo niya, dumulas lang iyon patungo sa batok niya. His fingers soflty massaged her there in an intimate manne

