CHAPTER 31

1676 Words

ISANG upscale restaurant sa Makati ang pinuntahan nila Jella at Derek. Nalaman niya na by reservation lamang maaaring makakain doon lalo na kapag gabi. Maganda ang ambiance. Classy, homey pero may privacy pa rin sapagkat magkakalayo ang mga lamesa na pandalawahan lahat. Para talaga sa mga magkakapareha ang restaurant.                Masarap ang mga pagkain pero mas masarap ang pakiramdam niya na kasama niya si Derek. Na nakakapag-usap, nagkakangitian at nahahawakan na nila ang isa’t isa na katulad ng dati.                Nagkatitigan sila ng binata habang iniisip iyon at napagtanto ni Jella na ang namamagitan sa kanila ngayon ay hindi tulad ng dati. May kakaibang lalim na. May kakaibang sidhi. Marahil ay dahil alam na nila kung ano ang pakiramdam na wala sila sa buhay ng isa’t isa. Kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD