KINABUKASAN ay nasa tapat na ng higanteng gate ng Perez Mansion sina Jella at Derek. Nang humimpil ang sasakyan ng binata sa tapat niyon ay napansin niyang natigilan ito at napatitig sa apat na palapag na magarbong tahanang kinalakihan niya. Nang tila makabawi ay lumabas ito ng kotse, umikot sa panig niya at pinagbuksan siya ng pinto. Hindi nag komento at nang magkatinginan sila ay ginawaran siya ng normal na mainit nitong ngiti. Saka siya inalalayan na bumaba. Doon na lamang nila sa labas iiwan ang sasakyan kaysa ipasok iyon sa garahe. Just in case hindi siya pakinggan ng mga magulang niya at palayasin sila agad. Sa naisip na iyon ay nanlamig na naman sa kaba si Jella pero agad niya iyong pinalis ang itinaas ang noo. Nakapagdesisyon na siya kaya paninindigan niya.

