MATAGAL bago sila nahimasmasan ng kanyang mga magulang. Maging si nana Ising ay matagal bago nakalma at nagsalita, “Pupunta ako sa kusina para maghanda ng makakain para sa inyong apat.” Noon lang napalingon kay Derek ang mga magulang niya. Si Jella ay tumingin din sa binata na mukhang hindi naman nainip o napagod sa pagtayo roon at panonood sa kanila. Naramdaman niya na natensiyon ang kanyang mga magulang. Umusbong ang protective instinct niya para sa binata kahit na nagkapatawaran na sila ng papa at mama niya. Kaya lumapit siya at kumapit sa braso nito. “Siya po si Derek. Naghiwalay kami anim na taon ang nakararaan dahil kinailangan ko magpunta sa New York at tuparin ang pangarap ko at ang pustahan natin. Akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay k

