Three Keys To Her Fortress Heart (Introduction)
Eighteen-year-old Jaira Muriela Miranda, a fortress queen and orphaned at a young age-palaban, independent, at "love? hard pass!" vibe. Pinatigas ng panahon ang puso niya at tila kinalimutan na ang salitang pag ibig. Pero biglang BOOM! Tatlong naggagwapuhang lalaki ang sisira sa kanyang "no feelings allowed" rule!
Aulus Grey Mettienzo—Ang "Bad boy and womanizer" heir ng isa sa pinakamayamang angkan ng mga Mettienzo at nag iisang "Cassanova" ng Four Aces-perpekto raw ang buhay niya hanggang sa dumating si Jaira, ang "walking malas" na ginawa niyang daily dose ng pang aasar, pang-bubully, at pang iinis. Pero paano kung isang araw, biglang nag boomerang ang lahat sa kanya nang sumabit ang puso niya sa sarili niyang mga kalokohan? Sa lihim na soft-spot niya para sa dalaga, biglang sumabog ang mga "What ifs..." Sa isip niya, "Ikaw ang malas ko... pero bakit hindi ka maalis sa isipan ko?" From "Ayaw kita!" to "Ayaw ko nang mawala ka," Naku, patay! Nagulantang si Aulus nang malaman niyang hindi na pala galit ang nararamdaman niya—kundi takot na baka may ibang magpaiyak o magpasaya sa dalaga.
Pero ang tanong: Paano siya aamin ng feelings, kung ang tingin sakanya ni Jaira ay isang malaking "walking red flag" na kinasusuklaman siya?
Leevan Cairus Mettienzo—Ang nag iisang kapatid ni Aulus. "Elite businessman and heir" ng mga Mettienzo na tila ba pinanganak upang maging perpekto sa mata ng mundo dahil sa angking talino at galing. Ex-flame ni Jaira na bumalik sa Pinas para sa "Operation Bawi ang Nawalang Forever" Pero hindi 'to business deal na pwedeng i-close sa isang meeting lang. Si Jaira, ang dalagang minsan niyang 'forever', ngayon ay tingin sa kanya'y "Walking Trauma" ng nakaraan. Paano niya babawiin ang tiwalang sinira, kung ang bawat "I'm sorry" niya, para kay Jaira, "I'll hurt you again" ang dating? Gagawin niya ang lahat: magmakaawa, magpakabaliw, kahit pati ang kayamanan ng Mettienzo ay iaalay niya...
Pero ang tanong: Sapat ba ang pera at pasuyo para sa pusong nasugatan ng pagtakas niya noon? Pwede pa bang maging "forever" ang dating "goodbye"... o masakit man, "The One Who Got Away" na talaga si Jaira?
Claudius Rassmuzen—Sa mundo ng Four Aces, si Claudius-"Chef na Pogi" "Mr. Perfect" sa mata ng marami "Kuya Protector" sa barkada-and laging andyan para kay Jaira. Pero behind that charming smile at mga "I got your back" moments, may hidden recipe siya para sa dalagang si Jaira: isang pag-ibig na tahimik na naglalabo sa puso niya sa loob ng mahabang panahon.
Ang tanong: Hanggang kailan niya itatago ang totoo, kung ang pagiging "best friend zone" niya ay unti-unting sumisira sa kanya? Masasabi kaya niya ang mga katagang, "Sana malaman mo na, ikaw ang main course ng puso ko.." Naku! Mahirap to! Luto niya, perfect. Pero ang feelings niya... is it worth the risk?
Tatlong lalaki, tatlong uri ng pag-ibig-sino sa kanila ang makakapasok sa puso ni Jaira Muriela? Lahat sila, akala nila sila ang may susi sa kanyang puso. Pero ang problema sa maraming susi... baka walang tumama sa lock ng puso niya. Paano kung ang tanong pala ay hindi 'Sino ang mananalo?' kundi 'Sino ang handang masaktan para sa pag-ibig?'
Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This novel contains mature themes, including violence, s****l content, strong language. Reader discretion is advised.
I, Mxjhonss08, hereby declare that the novel entitled "Three Keys To Her Fortress Heart" is my original work and that all sources used have been properly cited and acknowledged. I understand the implications of plagiarism and affirm that this work is free from any unauthorized copying or adaptation of existing works. Any similarities to other works are unintentional and coincidental.
Copyright © 2025 Mxjhonss08. All rights reserved.