Bandang alas-nueve ng umaga, pumasok si Piper sa admin building ng La Huerta Estate sa loob ng hacienda. Medyo kabado siya pero kailangan niyang lakasan ang loob. Siya ang kusang pumasok sa kulungan ng tigre kaya kailangan malakas ang loob niya. Mas maingat ang mga hakbang niya ngayon. Mas tuwid ang likod at mas mahinahon ang mukha. Nakatingin sa kanya ang mga tauhan na naroon. Hindi siya kilala ng mga ito pero natitiyak niyang alam ng mga ito na kapatid siya ni Viper dahil magkamukha naman sila talaga ni Viper kaya tiyak na may idea na ang mga ito kung sino siya. Nakakaramdam siya ng hija dahil sa ginawa ng kapatid niya pero taas noo pa rin siya dahil wala silang ginagawang masama ng tatay niya. Hindi na nga siya na labas ng bahay nila, school bahay lang talaga siya. Pero heto ngayon aakuin niya ang kasalanan na kapatid niya ang may gawa.
"Dito tayo, kanina ka pa iniintay ni Sir Jeric." wika ng isang babae na sumalubong sa kanya.
"Wala pa po kasi akong mapag iwan kay Tatay kaya hindi agad ako maka-alis ng hospital pasensya na po." hindi naman na ito umimik hanggang makarating sila ng isang pinto na kinatok nito then pagbukas ng pinto ng opisina ni Jeric iyon. Nakatayo ito sa may bintana, naka-gray longsleeve polo, nakataas ang manggas hanggang siko, seryoso ang aura habang may kausap sa phone.
Pagharap nito—sakto naman pumasok si Piper na aksidenteng nadapa naman dahil sa paa ng babaeng biglang umikot para tumalikod. Awang naman ang bibig ng babaeng kasama niya habang si Piper naman ang mamadaling tumayo kahit damang-dama niya ang hiya. Panay naman ang hingi ng sorry ng babae sa kanya na alanganin naman siyang ngumiti at yumuko nalang ng bahagya dito.
“Good morning po, Sir,” maayos na bati ni Piper ng bumaling kay Jeric na hindi agad nakasagot si Jeric. Hindi dahil nagulat sa biglang pagkakadapa nito kundi dahil parang nalimutan niya kung paano bumati pabalik habang parang sinukat niya ito mula ulo hanggang paa na parang taga ibang dimension ang dalaga.
“Piper,” mababa pang boses na tanong ni Jeric. Tumango ang dalaga ng alanganin.
“Opo. Ako po.” Naglakad si Jeric palapit ng ibaba ang phone sa mesa.
"You know me, right." tanong ni Jeric na huminto sa harapan ni Piper na bahagyang umatras ng konti at tumingala sa binata.
"Opo sir," may ilang segundo naman natahimik si Jeric habang nakatitig sa dalaga. Kusa na siyang umatras ng makitang na iilang si Piper, bahagya siyang naupo sa gilid ng mesa habang naka halukipkip.
"Asan si Viper? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong ni Jeric.
"Siya po nag babantay kay Tatay sa hospital ngayon. Kasi pinatatawag n'yo daw po ako." pagsisinungaling ni Piper. Huminga ng malalim si Jeric sabay turo ng upuan.
"Have a seat." sumunod naman si Piper na naupo naman habang nakatingin kay Jeric.
"Gusto ko sana sabay ko kayong kakausapin, pero since may valid reason naman. Tingin ko wala naman masama kung ikaw lang ang kakausapin ko." Muling tumayo si Jeric at umikot sa paligid ni Piper na parang nag i-inspection ng isang bagay.
“Interesting.” usal pa nito.
“Anong interesting po?” patay malisyang tanong ni Piper.
“Ang ganda mo pala talaga sa personal.” Nanigas si Piper, balak ba nitong i-offer sa kanya yung sinabi din nito ng siya si Viper, salamat nalang talaga na tago ng liquid foundation ang pamumula ng mukha niya na parang magkakapasa pa siya dahil sa suntok nito sa kanya kahapon.
“Sir, nandito ako para pag-usapan ang kapatid ko.” Huminto si Jeric sa harap niya saka bahagyang yumuko.
“Alam mo ba ang ginawa niya? Are you fully aware?"
“Opo, nabanggit na po niya sa akin kahapon pa po.”
“So, alam mo bang pwede ko siyang ipakulong?”
“Opo.”
“Alam mo bang pwede kong ipadamay ang tatay n’yo?” Mas tumigas ang mukha ni Piper.
“Alam ko rin po pero para po sa kaalaman n'yo walang kasalanan ang tatay namin, 3 dekada na po siyang nagtatrabaho sa inyo. Wala pa po kayo dito trabahador na ang tatay ko. At wala siyang masamang record."
"Pero anak n'ya ang —."
"Iba ang tatay ko sa amin ni Viper! Kaya mo na po siyang idamay. Utang na loob lang." natahimik si Jeric na nakatitig lang si Jeric kay Piper.
"Nabanggit din po sa akin ni Viper na may usapan na kayo.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Jeric.
“Oh? May usapan anong alam mo?”
“Opo. Tungkol sa… pagpapanggap.” Ilang segundong natahimik si Jeric na nakatitig lang kay kay Piper. Mas lumapit siya yumuko at halos magpantay ang mukha nilang dalawa ng dalaga.
“Alam mo ’yon?”
“Opo.” sagot ni Piper na bahagyang napalunok at pilit nainiiwas ang mata sa labi nito na humalik sa kanya kahapon. Na alala niya kung gaano kalambot iyon at parang na raramdaman pa niya.
“At pumayag ka?”
“Kung ’yon ang kailangan para hindi makulong ang tatay ko.” Tinitigan siya ni Jeric nang matagal.
Hindi ito tulad ng mga babaeng sanay niyang kausapin. Hindi mabigat ang make-up, hindi pilit ang ngiti, walang pabebe na lakad.
Simple lang na dapa pa nga by accident.
Puting blouse, maong na pantalon, lumang sapatos. Mahabang kulot na buhok na bumabagsak sa balikat. Walang arte—pero hindi maikakaila ang ganda talaga na taglay nito. Napatitig siya at hindi na siya nakapagsalita.
"Sir." tawag pa ni Piper. Wala pa ring lumalabas na salita sa bibig ni Jeric.
Ano ba ’to?
Sanay siyang mangbola, sanay siyang magbato ng linyang nag papakilig sa babaeng tulad nito. Sanay siyang mag-control ng sitwasyon pero ngayon—parang nag-error ang sistema niya. Tumikhim siya saka tumayo muli ng deretso at umatras ng bahagya.
“Ah—uh—." napakamot ng kilay si Jeric na nag isip ng sasabihin na parang bigla niyang nalimutan ang sasabihin at kung anong dahilan kung bakit pinapunta niya si Piper.
Hindi niya maalis ang mata sa mukha nito, bata pa lang nakikita na niya ito. Ilang beses na rin siyang nakipag laro sa kambal ni Mang Pio noon. Hindi na siguro na aalala ni Piper pero siya yung batang lalaki noon na sipunin na laging inaasar ng batang hacienda noon dahil payat at hikain tapos sobrang puti pa. 10 years old na siya noon at 6 naman si Piper pero dahil payat at maliit na bulas siya noon akala ng iba 8 years old lang siya. Ito ang lagi nilang tagapag tanggol ni Viper sa mga batang hacienda noon.
Nag bago lang si Piper at hindi na ito nalabas ng bahay para mang laro ng mag simula itong mag dalaga sabi ni Mang Pio. Nadinig niya ang balita na nagka period na daw si Piper kaya ayaw na nitong nag lalabas ng bahay. Gusto laging nasa kuwarto at nag babasa na lang ng pocketbook daw. Ayaw din daw mangitim kaya nag tatago palagi sa araw, makita man niya ito bihirang-bihira na timing pa. School bahay lang din kasi talaga ito at siya naman sa Manila nag-aaral. Nauwi lang siya ng hacienda tuwing friday ng hapon at babalik ng Manila ng Lunes ng umaga.
At ang dahilan ng pag-uwi niya makita ang crush niya si Piper. Ang nag-iisang babae na hindi niya malapitan. Sa edad na 26 hindi na niya mabilang ang babaeng naikama niya. Habang meron din siyang steady girlfriend na si Bia na hindi nga niya maintindihan kung girlfriend ba niya o karma. Dahil ang alam niya girlfriend niya ito pero nalaman niya habang nag-aaral ito sa ibang bansa meron pa itong isang boyfriend. Pag pupuntahan niya ito sa US kapag nag rerequest ito napunta siya at wala naman silang gagawin kundi mag s*x lang tapos uuwi na ulit siya sa Pinas.
Magaling sa kama si Bia at maganda din kasi ito kaya nanghihinayang siyang bitawan. Saka mas okay na din na ito ang alam ng parents niyang girlfriend. Hindi papalit-palit patikim-tikim lang kapag meron babaeng handang tumihaya para sa kanya. Hindi naman siya madamot sa mga babaeng gusto siyang tikman. Kaya nga namatay ang lolo niya galit na galit sa kanya kung meron lang daw na iba itong apo na gusto ang hacienda hindi nito sa kanya iiwan ang hacienda dahil baka daw kasing dami ng baka at kambing ang maging anak niya sa iba't-ibang babae dahil masyado daw siyang f*ckboy. Wala na daw siyang pinipili basta maganda at maputi bira daw siya ng bira.
Well, hindi naman na mimili pa rin naman siya. Tulad ngayon crush niya si Piper pero hindi naman niya maingine na birahin ito sa kama, parang hindi kaya ng konsensya niya. Sinabi lang niya kay Viper ang mga sinabi para nga subukan ito at so far naka pasa naman si Viper. Parang hindi niya kayang isama si Piper sa listahan ng mga babaeng pinag sawaan niya, parang hindi bagay si Piper sa ganun uri ng babae.
“Sir?” Biglang natauhan si Jeric habang nakatulala na pala siya sa mukha nito.
“Yes. Right.” biglang kinuha ni Jeric ang folder sa ibabaw ng mesa na tumikhim pa na binuksan niya ang folder pero hindi niya mabasa ang mga numero. Nakatingin pa rin siya sa dalaga.
Bakit ba ganito? Nararamdaman ko...
“Alam mo ba ang ginawa ng kapatid mo?” tanong uli niya sa wakas na ikinakunot ng noo ni Piper dahil parang lutang ata si Jeric ngayon. Ibang-iba sa lalaking kaharap niya kahapon.
“Opo.”
“Malaki ang perang nawawala.”
“Opo.”
“Two hundred thousand plus missing deliveries.”
“Handa po kaming bayaran kung papayag po kayo sa terms po namin." Hindi na siya makatingin sa papel. Nakatingin lang siya sa mukha ni Piper habang nag sasalita ito.
May kung anong kakaiba talaga sa nararamdaman niya ngayon, hindi ito normal sure siya roon. Hindi siya makahanap ng sarcastic remark sa anyo ni Piper. Hindi rin siya makagawa ng pang-asar para i-intimidate si Piper parang biglang naging seryoso ang mundo niya.
“Bakit?” tanong niya, halos pabulong.
“Bakit mo siya pinagtatakpan?”
“Hindi ko po siya pinagtatakpan. Kapatid ko po siya at alam ko pong mali ang ginawa niya at na rarapat lang sa kanyang maparusahan. Pero kung kaya naman po namin pag bayaran ang kasalanan niya na hindi na kukulong ang kapatid ko. Iyon lang po sana ang ipapaki-usap namin." Diretso ang tingin nito sa kanya at doon siya lalo nabingi at wala ng marinig kundi ang boses na lang nito. Walang malandi, walang arte, walang pag papaawa. Diretso lang matapang, may dignidad.
“Hindi ka ba galit sa kapatid mo? Dahil sa kanya na hospital ang Tatay n'yo at posible pang makulong?" Sandaling natahimik si Piper.
“Galit po. Pero pamilya ko pa rin siya.” Parang may sumuntok kay Jeric—pero hindi sa mukha sa dibdib.
Bakit ganito?
Bakit parang ngayon lang siya nakaharap ng babaeng hindi niya kayang dominahin? Hindi niya kayang sindakin, na parang mas natatakot pa siyang magalit ito kesa magalit siya.
“Sir?” muli nitong tawag, napakurap si Jeric.
“Ah… yes.” Wala pa ring maayos na takbo ang isip niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit.
Focus, Jeric. Umayos ka! Si Piper lang yan...
“Kailangan kong siguraduhin na naiintindihan mo ang consequences.”
“I do.”
“Kung hindi magbabayad ang kapatid mo—”
“Magbabayad po kami.”
“Paano?”
“Magtratrabaho po si Viper sa inyo gaya ng usapan n'yo."
“Hindi mo naiintindihan kung gaano kalaki ’to,” sabi ni Jeric, pero mahina.
“Mas naiintindihan ko po kung gaano kalaki ang mawawala sa amin kapag nakulong ang tatay ko dahil sa kapatid ko."
Tumigil ang ikot ng mundo ni Jeric sa sinabi ni Piper. Coming from a 22 years old girl parang pakiramdam niya siya pa ang kontrabida, siya na ang ninakawan ng kapatid nito. Nakatingin lang siya at sa unang pagkakataon sa buhay niya na speechless siya sa harap ng isang babae. Hindi siya makapang bola, hindi siya makaporma, hindi siya makapang-asar para siyang batang nahuling tumitig sa babaeng na gugustuhan niya ng sekreto.
“Sir Jeric?” Napakurap siya ulit.
“Yes.”
“May iba pa po ba kayong gustong itanong?”
Marami. Pero wala siyang masabi sa halip, napatingin lang siya sa mga mata nito at hindi niya maintindihan kung bakit ayaw na niyang alisin ang tingin, parang na babato balani siya sa ganda nitong hindi nakakasawang tingnan.
Parang may humihila sa kanya na titigan ito at sa likod ng isip niya, may isang bagay na dahan-dahang nabubuo. Hindi ito tungkol sa pera. Hindi ito tungkol sa hacienda. Hindi ito tungkol sa kasunduan nila ni Viper kaya niya ito gustong makita.
Ito ay tungkol sa babaeng nakaupo sa harap niya ngayon at sa unang pagkakataon. Na pag tanto niyang hindi nalang simpleng paghanga ang nararamdaman niya sa kapatid ni Viper. This time — Si Jeric La Huerta, ang lalaking sanay maglaro ng puso ng mga babae ay ngayon tuluyan ng na bibighani sa isang babaeng hindi siya sigurdo kung magugustuhan din siya dahil nakikita niya sa mga mata nito na hindi ito yung babaeng madaling mabilog ang ulo sa simpleng I love you lang.