Maagang umalis si Piper sa ospital matapos siguraduhing maayos ang lagay ng ama. Tahimik pa rin si Mang Pio, mahina ang paghinga, nakakabit sa dextrose at monitor pero ayon sa doctor safe na ang tatay nila. Bago siya tuluyang lumabas ng silid, hinaplos niya muna ang kamay nitong magaspang.
“Tay… aayusin ko po ito. Pangako, relax lang po muna kayo dito."
Paglabas niya ng ospital, sumakay na siya ng traysikel papuntang bayan. May iisang tao lang siyang kilala na puwedeng makatulong sa problema niya ngayon—si Ninong Larry but now Ninong Lorie na. Ang kapatid ng ama niya na matagal ng kaaway ng ama simula ng maglantad ito ng tunay nitong identity bilang bakla.
Sa buong La Huerta estate, kilala si Ninang Lorie bilang stylist, make-up artist, at minsan therapist ng mga babaeng may problema sa pag-ibig. Kapatid ito ng ama niya, bakla, makulay ang personalidad, at ninong niya sa binyag pero ninang na. May maliit itong salon sa bayan na may nakapaskil na karatulang.
“GLAM by Ninang Lorie – Beauty is Power.” kulay lavender ang pintura sa labas. Pag baba niya ng tricycle agad na siyang lumapit sa salamin na pintuan at pagpasok pa lang ni Piper, sinalubong na siya ng malakas na pabango at mas malakas na boses ng isang bakla na nag-uutos sa mga tauhan nito.
Huminga siya nang malalim bago hinawi nag tinsel na nakaharang at nag silbing kurtina sa pagitang ng maliit na receiving area at mismong loob ng salon. Paghawi niya nun, sinalubong siya ng amoy ng hairspray at conditioner.
“Ay, jusko po! Rudeeeee!” malakas na boses ang agad niyang narinig na matinis.
“Anong nangyari sa'yo? Kelan ka pa naging tomboy?” Lumabas mula sa likod ng counter si Ninang Lorie. Matangkad, makinis ang kilay, naka-fuchsia na bestida, at naka-roller pa ang bangs, magandang bakla ika nga.
“Ninang…” pilit na ngumiti si Piper. Natigilan si Lorie nang mapatingin sa buhok niya habang papalapit sa kanya parang eskandalong-eskandalo talaga ito sa hitsura niya. Nung nakaraan lang ginupitan siya nito ng trim lang dahil ayaw nitong galawin ang buhok niya dahil baka daw magtampo, ang ganda-ganda pa naman daw ng pagkakanatural wave parang alaga sa salon kaya puro trim lang para panatilihin na sakto lang ang haba.
“Anak ng tokwa. Sino’ng gumawa nito sa’yo? Bakit ka nagmukhang trainee sa ROTC?” Tili pa nito na hinawakan ang buhok niya na parang diring-diri sa gupit niya. Napahawak si Piper sa maikli niyang buhok saka alanganin na ngumiti.
“Kailangan ko po ng tulong.” Umupo agad si Lorie at hinila si Piper patungon sa swivel chair sa likod ng counter na pinaka office nito ng salon.
“Ilabas mo na lahat, accla. Huwag mo ‘kong gagawing tanga dito sa gedli. At ‘wag na ‘wag mong ibabanat na trip mo lang ‘yang gupit mong mukhang may pinagdaanan, kasi hindi ako kahapon pinanganak, ‘no! Umamin ka na bago pa ‘ko mag-CSI diyan sa anit mo!” napangiti naman si Piper sa bilis ng bibig ng Ninang Lorie niya na baklang-bakla na talaga pati pitik ng kamay kaya ayaw na ayaw na talaga ito makita ng ama niya.
Kaya hindi na napigilan ni Piper. Bumuhos ang lahat ng kuwento at kailangan na din talaga niya ng kausap. Kaya sinimulan na niya ang kuwento sa pagnanakaw ni Viper, ang pagkaka-stroke ng ama niya, ang ultimatum ni Jeric, ang kasunduan kay Jeric, at ang kailangan niyang humarap ngayon bilang Piper para harapin si Jeric.
Hindi agad nakasalita si Lorie, nasapo niya ang dibdib sa nalaman tungkol sa kapatid, pero hindi naman siya makakapunta dahil baka pag nagising ito at makita siya baka sa morgue pa ito dumeretso. Ang importante maayos na daw ang lagay ng ama ng pamangkin. Agad nalang siyang nag send ng pera sa pamangkin dahil yun lang ang kaya niyang maging tulong sa kapatid niya.
“Naku ha, pag nakita ko ‘yang si Viper na ‘yan, lagot siya sa’kin, bhie! Sinabi ko na nga ba eh! Noon pa man, alam ko nang may rainbow connection si bagets. Pink na pink ang dugo, gorl—umaalingasaw ang aura! Hindi mo ‘ko maloloko, pagdating sa ganun bagay, matagal ko nang naaamoy ang katotohanan!” wika pa ni Lorie sabay, marahan siyang napabuntong-hininga.
“Paano na, bhie… grabe naman ‘yang dala-dala mo. Hindi na ‘yan backpack, luggage na pang-abroad! Halika nga dito, ilapag mo muna sa’kin kahit kalahati lang. Hindi ka forklift para buhatin lahat mag-isa, accla. Sabay nating harapin ‘yan bago ka tuluyang ma-flat sa bigat.” wika ng Ninang Lorie niya na hinala pa siya at mahigpit na niyakap, hindi naman umiyak si Piper. Hindi mababaw ang luha niya. Unless nalang kapag talagang hindi na niya alam ang gagawin.
“Wala po akong choice, Ninang.”
“May choice naman lagi, bhie. Hindi tayo NPC sa buhay na naka-auto lang. Pero minsan, ‘yung option na nasa harap mo? Mas masakit pa kaysa sa pagiging martyr. Parang pipili ka kung saan ka masasaktan — deluxe edition o premium package. Kaya ang tanong, saan ka mas buo pagkatapos? Doon ka, kahit may kirot." Napayuko si Piper na napabuga ng hangin na ngumiti.
“Kailangan kong humarap kay Jeric bilang Piper ngayon. Pero…” napahawak siya sa buhok niya,
“ganito na ’ko.”
“Ay, hija, siya ba iyong. ‘Yung amo ng Kuya Pio—si Jeric. Apo ni Lolo Joel. ‘Yung guwapo na parang laging may sariling electric fan kahit walang kuryente habang nag lalakad? Na may lahing haciendero realness at panga na pang-billboard!" natawa nman si Piper sa pa describe talaga ng Ninang niya pero tama naman lahat ng sinabi nito.
"Opo."
“Naku, hija… ang balita ko, matinik sa chick ang isang La Huerta na ‘yun. Hindi ba delikado ‘yan sa kanya iyang pearlyshell in the deepsea?” nguso ni Lorie sa pagitan ng hita ni Piper na umawang ang bibig.
"Ninang." Ngumisi si Lorie bigla.
“Ay naku, bhie… buhok lang pala ang problema mo? Akala ko kung ano na, grabe na ‘yung level ng gulo sa isip ko, pasensya na si Ninang!" Napaangat ang tingin ni Piper.
“May solusyon diyan. Wig. Extensions. Clip-ins. Hija, nasa tamang lugar ka.” Tumayo si Lorie at naglabas ng kahon mula sa cabinet. Isa-isa niyang inilapag ang mga buhok—mahahaba, kulot, tuwid, brown, black.
“Anong peg mo, bhie? Dalagang probinsyana na inosente pa o hacendera na ‘di pwedeng lapitan kasi parang may invisible fence sa paligid niya?”
“Yung… natural lang po.” Pinagmasdan siya ni Lorie.
“Kulot, natural brown. Kagaya ng dati mo.” Maya-maya, may hawak na siyang mahabang kulot na buhok na halos kapareho ng dati niyang itsura.
“Subukan natin.” Ilang minuto ang lumipas. Maingat na inayos ni Lorie ang wig, inayos ang hairline, nilagyan ng konting styling para hindi halatang artificial. Pagharap ni Piper sa salamin— Natigilan siya, nandoon siya. Si Piper hindi si Viper.
Biglang nangilid ang luha niya at parang gusto nalang ulit niyang bumalik sa pagiging babae ng mamiss niya ang magadan niyang buhok.
“Ninang…”
“Shhh,” sabi ni Lorie.
“Bhie, hindi ka mawawala dahil lang sa isang gupit, ha! Para kang permanent fixture sa eksena—kahit anong style, kahit anong makeover, nandiyan ka pa rin sa radar ko! Nandito lang si Ninang." na luluha din wika ni Lorie ng yakapin ang pamangkin.
Humiwalay naman ng yakap si Piper sa Ninang niya at napahawak siya sa wig habang nakatingin sa salamin.
“Magkano po ito?”
“Tigilan mo ako. Ninang mo ’ko.” sabay palo sa pisngi niya ng marahan pero seryoso ang mukha ni Lorie nang muli siyang magsalita.
“Yung Jeric na ’yan… sigurado ka ba sa ginagawa mo, parang ako ang kinakabahan baka bigla nalang akong maging Lola?” natawa naman si Piper.
“Hindi po, mag-iingat po ako promise."
"Oo, mag pills ka baka —Aw!" natawa naman si Lorie ng paluin ni Piper.
"Joke lang naman ito naman, kapag ganun kasing kaguwapong lalaki jusko... baka mag palahi nalang ako kahit wala ng kasal. Pero knowing Kuya Pio, baka makulong siya kung mabubuntis ka ng amo niya na kilabot ng mga kababaihan dine sa Batangas."
“Mag-iingat po ako saka ang bata ko pa po, wala pa sa isip ko ang mga ganyan bagat, kailangan ko lang po talagang gawin to hanggat hindi na lutang si Viper.” napabuga ng hangin si Lorie.
“Ay naku, bhie… mag-ingat ka ha! May mga lalaking sanay maglaro ng tao—akala mo mahal ka, papakiligin ka sa sweet sweet lines nila, pero pag nakuha na ‘yung gitnang katagalugan… Babye na ‘ko sa’yo, pelepens! Tumango si Piper.
“Hindi ako magpapalaro.”
“Good.” Pagkatapos, hinawakan ni Lorie ang magkabilang pisngi niya.
“At kung masaktan ka man at hindi talaga napigilan—bumalik ka rito palagi. Hindi mo kailangang dalhin lahat mag-isa. IpapaSOCO ko yan." natawa naman muli Piper.