"Ahhh! Ate Glo, dahan-dahan po. Masakit." daing ni Piper, ikinalingon ni Jeric sa kanya.
"Isang suntok lang ginawa ko sa'yo kala mo naman sobrang nasaktan ka." ani Jeric habang ginagamot din ng nurse ng hacienda ang putok na labi at galos sa pisngi.
"Hindi naman mukha ni Viper ang ginagamot ni Ate Glo, sir Jeric yung kamao niya nasugatan po dahil sinaktan kayo." muling napabaling ng tingin si Jeric kay Viper na noon lang niya na pansin na kamay nga nito ang ginagamot. Napatingin naman si Jeric sa mukha ni Viper na kita din naman na mumula ang suntok niya sa mukha nito. At ewan ba nakaramdam siya ng awa sa mukha nito kaya napabuga siya ng hangin, bugso ng damdamin kaya lang niya ito na sapak kanina dahil sa ginawa nito sa hacienda. Pakiramdam tuloy niya nanapak siya ng batang lalaki sa hitsura ni Viper.
"Yang ilong mo saan mo pinagawa?" tanong ni Jeric out of nowhere na wala naman sa loob ni Piper na napahawak siya sa ilong niya.
"Hindi ko—." naputol naman ang sasabihin sana ni Piper ng maalala na siya nga pala si Viper hindi si Piper sa mga oras na yun kaya napa suklay nalang siya sa sobra niyang iksing buhok. Nakatingin sa kanya ang nurse na nag gagamot kay Jeric na parang iniintay din ang sagot niya.
"Hindi ko to pinagawa in born ito." tumawa naman si Jeric.
"Wag nga ako Viper, hindi man kita nakikita sa araw-araw pero alam ko ang pagkakaiba n'yo ng ilong ng kapatid mong babae." muling sumama ang tingin ni Viper kay Jeric sabay tingin kay Ate Glo na nag lilinis ng kamay niya na parang pinisil nito at sinasaway siyang wag titigan ng gnun ang amo nila. Pero kakairita lang kasi yung timbre ng boses nito dahil pakiramdam niya matagal na siyang pinag nanasaan ng lalaking ito bilang si Piper.
"Okay fine kung ayaw mong sabihin wala naman problema," ani Jeric kaya hindi na lang din kumibo si Piper. Nasa loob sila ng clinic ng hacienda pinapunta sila roon ng Mommy nito na galit na galit sa kanila, habang ang ama nito ay sumama naman ang pakiramdam dahil sa pa revelation nitong bakla ito na hindi totoo pero dahil hinalikan siya medyo naging convincing sa paningin ng parents nito.
Kapag na aalala niya ang mga pinag sasabi nito tapos hinalikan pa siya sa harapan ng parents nito kahit sabihin pa na siya si Viper daig pa niya ang na triple kill sa nangyari. Inako niya ang kasalanan ng kapatid niya, binastos siya as Piper at ngayon naging bakla na siya dahil kay Jeric.
Kaya hindi niya maiwasan na bigyan talaga ito ng masamang tingin. Kung kanina daig pa niya ang na love at first sight dito kahit sinapak na siya ngayon parang natauhan siya bigla. Inalis agad niya ang paghanga na meron sa utak niya, guwapo lang ito period. Hindi niya ito tinatanggalan ng tingin parang gusto niyang butasin ang likod ng ulo nito gamit ang mata pa lang. At kahit pasimple siyang sinasaway ni Ate Glo, tuloy lang siya ng tingin at napansin naman iyon ni Jeric na nahuli pa siyang nakatingin.
“Kung titigan mo ‘ko nang ganyan,” mababang sabi nito habang nilalagayan na ng nurse ng cream ang labi nito,
“Baka isipin ng nurse na in love ka na sa akin.” Napasinghap si Viper sa sinabi nito.
“Manyak.” bulong ni Piper, ngumisi si Jeric na mukhang narinig.
“Honest.” usal lang nito habang nakahawak ang kamay nito sa bewang ng nurse na nakapisil pa. Tumahimik ulit sila habang is Piper at napapangibit sa malupit na galawan ng kamay ni Jeric sa nurse. Ramdam ni Piper ang bawat dampi ng bulak na may antiseptic sa buto ng kamao niya, masakit pero mas masakit pa rin ang alaala ng halik na ninakaw sa kanya ni Jeric. Na hindi niya akalain na mangyayari lang sa loob ng isang araw. First time niyang nasapak at first time din siyang nahalikan.
“Alam mo ba,” malamig na usal ni Piper ng hindi na katiis na manahimik nalang.
“First kiss ko ‘yon.” Tumigil ang nurse sa paglinis ng sugat ni Jeric kahit si Ate Glo na patingin din sa kanya na parang hindi sigurado kung narinig ba ng mga ito ng tama ang sinabi niya. Napatawa naman si Jeric. Isang maikling tawa na walang hiya, walang paghingi ng tawad at nang-aasar pang tumingin sa kanya.
“Talaga?” anito.
“So, dapat ba mag celebrate tayo?" kumunot ang noo ni Piper na tumingin ulit sa binatang amo.
“Hindi nakakatawa iyon,” singhal ni Piper.
“Relax,” sagot ni Jeric.
“First kiss ko rin ‘yon.” Napatigil si Piper ganun din ang nurse na nasa harapan nito at si Ate Glo.
“Huh?” usal pa ni Piper.
“First kiss ko din… sa lalaki,” dagdag ni Jeric, parang nagkukuwento lang ng kung anong trivial na bagay.
“Kakaiba pala ang pakiramdam.” ngisi pa nito na tinawanan ng dalawa gumagamot sa kanila. Biglang uminit ang tenga ni Piper at gusto maihampas ang mesa na malapit sa binata kung puwede lang sana.
“Ginagawa mo ba akong tanga o nang-aasar ka lang talaga?” Ngumisi si Jeric, sumulyap sa kanya.
“Bakit? Umaasa ka ba na sincere ako?” tanong ni Jeric.
“Bastos ka.”
“Again—honest.” Hindi pa man siya nakakabawi ng sagot biglang pinalo ni Jeric ang puwet ng nurse na nasa harap nito.
“Aray Sir,” pabirong sabi pa ng nurse, humagikgik pa. Hindi man lang ito nagalit, awang ang bibig na napailing nalang si Piper.
Grabe. Kung ako ‘yon, sinampal ko na ‘to ng pabalik-balik... napaka bastos talaga e... guwapo nga! Manyak naman. Kadiri! bulong ni Piper sa isipan niya. Tinapik ni Jeric ang kamay ng nurse.
“Okay na, thank you. You can go, pahiram muna nitong clinic.” Tumango na umalis ang nurse na may ngiti pa sa labi, kasama si Ate Glo na lumabas na din, tatayo na din sana siya para umalis na din ng pigilan siya ni Jeric at patulak na pina-upo pabalik sa couch. Pagkasara ng pinto sa likuran nila, nagbago ang hangin sa silid.
“Ah,” reklamabo pa ni Pyper, nang bumagsak ng upo.
“Ano na naman?”
“Relax,” sagot ni Jeric.
“May pag-uusapan lang tayo. Wag kang matapang na parang wala kang atraso sa akin." para naman biglang napahiya si Piper oo nga pala siya ang may atraso pero mali pa rin na binastos nito ang pagkabab*e niya. She wonder kung si Viper kaya talaga ang nakatayo sa harapan ni Jeric ano kaya mararamdaman ng kakambal niya after bastusin siya ng amo nito.
“Hindi ako komportable kapag nakatayo ka at nakaupo ako.” wika nalang ni Piper habang naka tingin siya rito.
“Sanay ka na dapat,” balik ni Jeric.
“Lagi namang ganyan ang mundo ng mga bakla diba, nasa baba habang nakatingala sa lalaki.” Napairap si Pyper sa sinabi ni Jeric. Humila naman si Jeric ng upuan saka naupo sa harapan niya.
"I'm not against gay! Masaya silang kasama at kausap actually pero I hate gays na pilit itinatago ang identity crisis nila kahit lumalabas naman nang kusa ang mga senyales ng baho nilang itinatago." wika pa nito habang nakatitig sa kanya.
“Let’s talk about the bargain,” diretsong sabi nito, nag salubong naman ang kilay ni Piper habang kunot ang noo na napatingin din kay Jeric.
“Wala akong kailangang i-bargain sa’yo.”
“Meron,” malamig na sagot ni Jeric.
“Kalayaan mo. At ng tatay mo, gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung bakit?" napalunok naman si Piper na tumahimik na lang at pinakinggan ang sasabihin ng binatang kaharap.
“Simple lang, ang gusto kong mangyari.” dugtong ni Jeric.
“Magpapanggap kang boyfriend ko.”
“Hindi.” mabilis agad na sagot ni Piper.
“Hindi pa tapos.” Ngumisi si Jeric sa reaction ni Viper na akala mo na tuklaw ng ahas.
“Kapag nandito tayo sa hacienda—lalo na sa harap ng parents ko—you’re mine. Hawak-kamay. Tingin-tingin. Konting lambingan.”
“Lambingan?” napasinghap si Pyper.
“Ulol ka ba?”
“Acting,” sagot ni Jeric.
“Hindi mahirap iyon lalo na sa sinungaling na tulad mo.” awang naman ang bibig ni Piper.
“Hindi mahirap para sa’yo,” mariing sabi ni Pyper.
“Hindi issue dito ang pagiging sinungaling ko, hindi ikaw ang mawawalan ng dignidad.” Napatingin si Jeric sa kanya ng seryoso na at bahagyang nag lean forward.
“Viper,” mababa niyang sabi,
“Matagal mo nang nawala ang dignidad mo noong ninakawan mo ang hacienda at sweldo pa ng mga kapwa mo empleyado.
Parang sinampal siya ng mga salitang iyon na talaga naman maling-mali.
“Anong kapalit?” tanong na lang ni Piper sabay ngiti ni Jeric.
“Absuwelto ka,” sagot ni Jeric agad.
“Lahat ng atraso. Walang kaso. Walang kulong. Walang gagalaw sa tatay mo, sasagutin ko na din ang hospital bills niya since matagal na siyang nagtatrabaho sa hacienda.” Nakaramdam naman ng lihim na saya si Piper sa narinig.
“Hanggang kailan?” Ngumiti si Jeric.
“Walang expiration.” Nanlaki ang mata ni Pyper.
“Loko ka ba? Ano habang buhay akong mag papanggap?"
“Hindi naman mahirap ang trabaho mo,” dugtong ni Jeric.
“Magpapanggap ka lang kapag nandiyan ang parents ko.” tumango naman si Piper.
“Hindi ako titira sa kwarto mo, huh!” mabilis na wika ni Piper, na tinawanan naman ni Jeric.
“Hindi ko sinabi at wag kang assuming."
“Hinding-hindi ako—”
“Makinig ka,” putol ni Jeric.
“Wala kang karapatan na mag reklamo o mag protesta! Ginagawan pa kita ng maayos na pabor sa bagay na ito dahil kung legal ang gagawin ko. Makukulong ka at madadamay ang Tatay mo dahil hindi ako na niniwala na mag-isa mo lang ginawa ang pag dispalko ng pera. Natitiyak ako na meron ka pang handler na ayaw mong sabihin sa akin." hindi naman naka-imik si Piper dahil na iisip na din niya iyon. Imposibleng makapag nakaw si Viper sa hacienda kahit pa matalino ito hindi nito magagawa iyon na mag-isa ang pag nanakaw.
“Magtratrabaho ka pa rin sa hacienda.”
“Sa admin office ulit?” Ngumisi si Jeric pero masama.
“Hindî. Natural!”
“Then saan?” Tumayo naman si Jeric. Lumapit sabay yuko sa harapan ni Viper ng magkatapat ang mukha nila.
“Buntot kita.” Napaangat ang kilay ni Pyper.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ibig kong sabihin,” mababa at malinaw na sagot ni Jeric,
“kahit saan ako pumunta—kasama ka.”
“Para?”
“Para bantayan ka,” dugtong ni Jeric.
“Mahirap na. Baka mas dumami pa ang manakaw mo.”
“Grabe ka.”
“Or,” dagdag pa niya, mas malamig,
“Gawin na lang kitang pataba sa lupa kung ayaw mo." Nanlamig si Piper, matagal ang katahimikan sa pagitan nila sa huli, siya ang unang nagsalita.
“Kung pumayag ako,” mahina niyang sabi
“Meron akong kondisyon baka puwede naman yun.” Tumitig si Jeric sa kanya na parang hindi ito sang-ayon.
"Ano?"
"Hindi mo ako puwedeng hawakan ng basta nalang."
"Ano naman feeling mo, babae ka? Viper pareho tayong may lawit wag kang feeling." iling ni Jeric na hindi malaman kung maiinis o matatawa kay Viper. Na ngayon lang niya na kausap ng harapan at hindi niya inasahan ang personality nito. Alam niya typical na suplado ito, hindi na mamansin parang may sariling mundo. Pero habang kausap niya ito ngayon lalo lang lumulutang sa paningin niya ang pagiging bakla nitong itinatago.
"Lalaki, babae o bakla. Deserve ng tao ng respeto! Hindi mo puwedeng basta hihilahin ang isang tao at hahalikan ng walang kaabog-abog." wika pa ni Piper na ikinatango naman ni Jeric, may point naman pala.
“Okay Deal.”
“Walang hahalik din ng basta-basta.”
“Depende sa audience, yan!”
“Señorito.”
“Joke lang,” sagot nito, tumatawa.
“Mostly.” Napapikit si Piper, napabuntong-hininga.
Wala akong choice. Pagmulat niya, naroon pa rin ang lalaking dahilan ng lahat ng kaguluhan sa isip niya ngayon.
“Fine,” aniya. “
Pero tandaan mo—hindi ako bakla.” Ngumisi si Jeric.
“Don’t worry,” sagot nito.
“Ako rin… yata! Di pa ako sure.” ngisi ni Jeric na nakatitig sa kanya.
"Di kaya ma in love ako sa'yo?" pang-aasar pa ni Jeric sabay tayo at tumalikod na.
"Gusto ko pa rin makausap ang kapatid mo bukas, papuntahin mo siya rito." utos pa ni Jeric.
"Huh! Bakit? Pumayag na ako diba." ani Piper na napasunod bigla kay Jeric.
"Wala akong tiwala sa'yo, gusto kong kausapin ang kapatid mong babae para aware siya sa mga consequence ng mga ginawa mo."
"Ayoko! Hindi ko ihaharap sa'yo si Piper."
"Wag kang mag-alala! Sa admin mo siya papuntahin bukas early in the morning. Kung di siya pupunta at hindi mo siya papuntahin. Puwes ako ang pupunta ng hospital at doon ko sila kakausapin ng tatay mo." wika ni Jeric.
"Wag na! Papupunatahin ko si Piper sa Admin bukas ng umaga." pagpayag na ni Piper na napamura sa isip. Paano ang buhok niya? Anong gagawin niya?
"Kainis naman!" paano siya magiging Piper bukas pinaputol na niya ang mahaba niyang buhok.
"Ayyyyyyyyyyyy! Bahala na nga!" sigaw nalang ni Piper sa isip habang nakasunod ng tingin kay Jeric na papalayo na.