Are you a He or She?

1664 Words
"Mag salita ka." utos ni Lyza kay Viper na naka yuko ang ulo habang nakatayo sa harapan nila ni Jared katabi naman ng anak na panay ang pahid ng labing dumudugo ganun din ang ilong. "Mom—." "Tumahimik ka, let him talk first!" mariin na utos ni Lyza sa anak na hindi na nakapag salita. "Magsasalita ka ba o tatawag na kami ng pulis?" pananakot pa ni Lyza habang tinititigan ang binatilyo na nakatayo sa harapan nila na hindi niya maintindihan kung lalaki ba o tomboy. "Pasensya na po Ma'am Sir, kung nasaktan ko si Señorito Jeric. Pero hindi ko lang po talaga napigilan patawad po." sunod-sunod ang pag yuko ni Piper. "Anong pangalan mo? Are you a He or She?" tanong naman ni Jared na ikinalingon naman ni Lyza sa asawa dahil pati pala ang asawa niya medyo na lito din sa hitsura ng kaaway ng anak nila. "Viper Guzman po." "So, He. Sorry but you look like a lesbian." muntik ng matawa si Jeric na pinigilan lang na umiwas ng tingin sa mga magulang. Because he is trying so hard to look like a woman. He’s gay, but he still refuses to admit it. bulong ni Jeric sa isip niya. “How old are you? Tauhan ka ba dito sa hacienda?" malamig na tanong ni Lyza para iwasan ang awkward moment dahil halatang na offend ang binatang nagpakilalang Viper. "22 po tauhan po ako ng hacienda, dito din po kami nakatira." Kumunot ang noo ni Lyza. “Anong pinag-aawayan n'yo kanina ng abutan namin kayo?” tanong niya, mariing mariin ang boses. Nag-ipon naman ng lakas ng loob si Piper na sabihin ang totoo dahil tingin naman niya deretsong mag-isip ang magulang ni Jeric kesa sa lalaking katabi na sagana lang sa gandang lalaki pero bulok ang takbo ng utak. “Ma’am…Sir! Pasensya na po talaga, pero nagalit lang po talaga ako. Binastos n'ya po ang utol ko." nag salubong naman ang kilay ng mag-asawa. "Ikaw pa ang may ganang magalit ikaw na tong—." "Shut up! Jeric, you will have you turn to explain." galit na putol ni Jared sa anak. "Ituloy mo." utos ni Lyza. "Naka dispalko po ako ng pera." honest na sabi ni Piper syempre susundin niya ang script na pinag-aralan niya. "Alam ko pong mali ang ginawa kong pagtatago pero nandito na po ako at handa na po akong harapin ang ginawa kong mali. Ang hiling ko lang po wag ng idamay ang tatay ko po. Na stroke po siya dahil sa ginawa ko, hindi po ako puwedeng makulong kaya na kikiusap nalang po sana ako kay señorito na pagtatrabahunan ko po ang lahat ng perang na dispalko ng ka—nadispalko ko po." mabilis na pagtatama ni Piper ng muntik na siyang madulas. "Handa po akong magtrabaho hanggang sa mabayaran ko po ang atraso ko, patawad po." "So saang parte doon binastos ng anak ko ang kapatid mo?" tanong ni Lyza.Tumikhim naman si Piper saka huminga ng malalim. "Gusto niya po katawan ng kapatid kong babae ang kabayaran ng perang na galaw ko po at nakadepende daw po sa performance ng utol ko sa kama ang sagot niya kung ipakukulong a niya kami o hindi na po." Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ni Lyza sa mga narinig. “Ano?” halos pabulong niyang tanong. “Willing naman po ako na pagpaguran ang pera na ninakaw ko po. Magtrabaho, magsilbi… pero ang gusto po ni Sir Jeric—yung kapatid ko po." "My God! Jeric." bulalas ni Lyza na napatingin sa anak. "It was a joke mom," defensive na sagot ni Jeric. “A joke? You think you can just joke about something like this? If I didn’t know you, I’d think you were joking—but you’re my Son. I know you.” angil pa ng ama. "Dad! Gusto ko lang i-test talaga ang pagiging since—." “Anong kalokohan ‘to?” halos manginig sa galit ang boses ni Lyza na ikinaputol ni Jeric sa sasabihin. “Ginagawa mo bang bahay-babuyan ang hacienda natin?!” napangiwi naman ang mag-amang Jared at Jeric sa sinabi ni Lyza. “Mom, may utang sila,” kabadong sagot ni Jeric. “At may kabayaran ang utang at pamemerwisyo na—." "Tahimik." saway ni Jared na tumayo na sinamaan ng tingin ang anak. “That’s not how we raised you!” sigaw ni Jared. “That’s not what we taught you!” dugtong naman ni Lyza. “You’re turning justice into prostitution!” wika pa ni Jared. "Hindi naman sa ganun Mom—." “Enough,” putol ni Lyza. Nanginginig ang mga kamay niya sa inis sa anak, matalim ang mga mata na tinginan ang anak. “Jeric, sobra ka na. Kung wala kang pakialam sa dangal ng iba, isipin mo man lang ang pangalan natin.” angil ni Lyza na ikanatahimik ni Jeric. “At kung ipagpapatuloy mong ganyan ang ugali mo,” dugtong ni Lyza, “Mas mabuti talagang ipakasal ka na namin. Hindi ka na bata puro pang babae ang inaatupag mo. Walang direksyon, walang disiplina.” Biglang napatawa si Jeric—isang maikling tawa na walang saya. “Pakakasal? Ang hard n'yo naman sa akin Mommy. Hindi ko na nga po mapagkasya ang oras ko dito sa hacienda tapos ganyan po pala ang iniisip n'yo sa akin.” ani Jeric na kunwari nasaktan sa sinabi ng ina. "Wag mo akong pinagloloko, Jeric. Kausap ko lang ng isang araw si Kervin at sinabi niyang wala ka dito sa hacienda at pinuntahan mo si Bia sa US." ani Lyza. "That’s not all. Two female students came to our house in Manila looking for you. One said she’s pregnant and that you’re the father." awang naman ang bibig ni Jeric. "The other said you had a one-night stand with her, and you promised you’d come back—but it’s been two months and you still haven’t, and she still hasn’t gotten her period.” dugtong pa ng ama na hindi siya makapaniwal na talagang may babaeng nag hanap sa kanya sa bahay nila sa Manila? Paano nalaman ng mga babaeng iyon ang bahay nila sa Manila e hindi naman siya na tuloy dun. Bihirang-bihira dahil kapag na luwas nga lang siya ng Manila e kapag mang babae. Lumalayo siya syempre sa Batangas dahil mahirap na baka anak pala ng mga tauhan nila ang kanain niya mapikot pa siya ng di oras. "Kaya tama na to." wika naman ni Lyza. "Tapos na ang kalokohan mo. Patitinuin kita sa babaeng hahanapin ko." wika pa ni Lyza na mariin. Doon biglang kumilos si Jeric. Sa harap ng parents niya, bigla hinila niya si Viper papalapit sa kanya—mahigpit ang hawak sa braso, parang ayaw ng pakawalan. Napalingon naman si Piper na salubong ang kilay. “Hindi ako magpapakasal,” malamig niyang sabi. “Hindi ko hinihingi ang pagpayag mo! Sinasabi ko lang.” ani Lyza sa anak. "Then listen to me carefully Mom, Dad." nagpalipat-lipat ng tingin si Jeric sa mga magulang. “Ayokong magpasak sa babae...dahil,” tuloy niya, hindi inaalis ang tingin sa mga magulang, “Bakla po ako.” Parang may sumabog sa loob ng manor sa sinabi ni Jeric. “What?” halos mawalan ng hininga si Jared. “Bakla po ako,” ulit ni Jeric, mas malinaw, mas matigas. “Hindi ko kayang mag-asawa ng babae.” Napatingin si Lyza kay Viper—sa itsura nito, sa tindig, sa mga mata nitong punô ng gulat at takot habang nakatingin sa anak nila. “At siya,” sabay turo ni Jeric, “Siya talaga ang gusto ko.” tukoy ni Jeric kay Viper na napaawang ang bibig. “Jeric,” halos pabulong na sabi ni Lyza, “hindi ito biro—” “Hindi ako nagbibiro, mom.” putol niya. “Ang pagiging babaero ko po? Palabas lang ‘yon. Para itago ang totoo.” Nanlaki ang mga mata ni Jared. “Anak… ano ang sinasabi mo—”galit ng angil ni Jared na para bang gusto nang bumigay ang tuhod ng ama. “Kung ipipilit n’yo ang kasal,” dugtong ni Jeric, “Ipaglalaban ko na ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.” At bago pa man may makasagot at makareact ang magulang niya. Muli niyang hinila si Viper saka hinalikan ito sa labi. Hindi marahas, hindi rin malambing. Parang isang deklara, isang paninindigan. Isang kasinungalingang na ikinatameme ni Piper na isa pa rin naman gumagawa ng kasinungalingan para pag takpan ang kasalanan ng kapatid. Habang si Jeric hindi niya alam ang tunay na dahilan pero hindi siya na niniwala na bakla ito. Nanigas si Piper sa loob ng katauhan ni Viper. Hindi niya inasahan na mangyayari ang lahat ng ito. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga. Ang labi ni Jeric ay mainit—masyadong totoo para sa isang kasinungalingan. “Oh my God!” mahina ang boses ni Lyza. Si Jared naman ay napahawak sa dibdib habang awang ang labi. “Jared!” sigaw ni Lyza nang mapansin ang pamumutla ng asawa. Halos himatayin ito sa gulat at hitsura ng anak at ng isang mukhang binatilyo na basta nalang nitong hinalikan sa harapan nila. “Tubig!” sigaw ni Lyza sa mga katulong na agad na nagpulasan. Samantala, dahan-dahang humiwalay si Jeric kay Viper. Ngunit hindi niya binitawan ang kamay nito nakatitig si Jeric sa mga mata ni Viper habang meron gumugulo sa isip ni Jeric pero hindi na niya isinatinig. “Ngayon,” malamig niyang sabi, “Alam n’yo na kung bakit hindi ako magpapakasal sa babae.” At sa mga mata ni Pyper sa mga oras na yun, unang beses siyang na kita ang isang lalaking kayang sirain ang mundo para lang umiwas sa obligasyon. At sa loob-loob niya, isang tanong lang ang sumisigaw na hindi niya mapigilan. Hanggang saan niya kayang dalhin ang kasinungalingang ‘to… at ako ang kasama niya? Na handa din gumawa ng kasinungalingan para protektahan ang taon mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD