Maingay ang buong cover court na nasa loob ng La Huerta Estate dahil sa emergency meeting na ipinatawag ni Mang Pio dahil may importante daw itong sasabihin. Naroon na ang karamihan ng mga manggagawa maliban lang sa mga taga admin office. Sabay-sabay na napalingon ang mga manggagawa ng makita ang itim na pick-up na paparating. Huminto iyon sa gilid at ilang sandali pa bumukas ang dalawang pinto ng backseat at lumabas si Mang Pio na mabilis na umikot para alalayan naman ang babaeng kasama nito. Isang babae di katangkaran pero elegante at smarteng tingnan. May dalang presensya na agad nagpapatahimik sa paligid. Nakasuot ito ng simpleng corporate attire puting blouse, fitted na blazer, at itim na slacks. Walang labis, walang kulang. Pero sa paraan ng paglakad niya, ramdam ang awtoridad. Big

