Kanina pa ungot ng ungot ng mahina si Piper, kanina pa din nagtatanong si Jeric pero panay lang ang iling ni Piper na parang nahihiya lang na magsabi ng kailangan nito kaya alerto si Jeric dahil na titiyak niya mamaya lang pag hindi na ito nakatiis mag sasabi din ito. Hanggng sa mapalingon na si Piper sa gawi ni Jeric, tahimik ang buong private room pero hindi tahimik ang tiyan niya dahil na gugutom siya at mero siyang gustong kainin. “Sir Jeric…” "Jeric, Piper." pagtatama ni Jeric sa dalaga na naka labi. "Jeric." mahina niyang tawag muli dito, nakahiga siya pero bahagyang naka simangot, parang may gusto na hindi masabi. Napatingin agad si Jeric mula sa kinauupuan na sofa sa gilid habang may laptop sa ibabaw ng hita. “Ano?” mabilis, alerto agad si Jeric na isinarado ang laptop at ipin

