Sakay ni Stardust si Jeric mabagal ang takbo, parang nag lalakad lang sila habang si Jeric malayo ang tanaw. Maagang-maaga pa lang ay gising na siya. Hindi dahil may meeting siya, hindi dahil may delivery. Kundi dahil may gumugulo sa isip niya. Hindi pa rin nawawala sa alaala niya ang eksena kahapon at hanggang ngayon na iirita pa rin siyang isipin. Ang numero sa braso ni Viper, ang ngiti nito at ang pangalan ni Jestoni Quizon. “Playboy.” “Lima ang anak.” "Tirador ng bakla." Napailing siya sa sarili puro kasinungalingan na sinabi niya tungkol kay Jess. Wala namang anak si Jess. At lalong hindi iyon tirador ng bakla. Sa totoo lang—kilalang-kilala niya si Jestoni. Magkababata sila, magkasama sa kalokohan, magkasama sa suntukan noong high school, magkasama sa unang tagay. At kahit nagkahi

