Nakagat labi si Piper habang nakatingin sa harapan ng salamin, nakatapis lang siya ng towel. Katatapos lang niyang maligo, tuyo na ang buhok niya dahil maiksi lang naman yun since siya nga si Viper mabilis na blow-dry. Mula sa cabinet niya binuksan niya ang isang kahon at doon niya nakita ang wig na binigay na sa kanya ng Tita Ninang niya. Ang wig na katulad ng buhok niya, huminga siya ng malalim saka maingat niya iyong inilabas mula sa kahon, hinaplos ang malambot na hibla ng kulot na buhok. Hindi dahil may lalaking nag-request na maging babaw siya, hindi dahil may date, hindi dahil may gusto siyang patunayan. Kundi dahil na-miss lang niya, na-miss niyang maging si Piper. Hindi si Viper na palaban, mataray, laging handang sumalo ng galit ng iba. Kundi si Piper ang babaeng puno ng pangara

