“Linyahan ’yan ng lalaking babaero.” Pareho silang napalingon. Unti-unting naman naglalakad papalapit si Jestoni, nakapamulsa at may nakakalokong ngisi sa mukha na parang matagal nang nanonood ng eksena nila sa hallway Huminto ito ilang hakbang mula sa kanila at tinapunan si Jeric ng tinging puno ng pang-aasar at ngisi. “Classic line, my friend.” dagdag pa nito. Napamura si Jeric na masama ang tingin kay Jestoni. “f**k you.” Napangisi si Jestoni. “Ay grabe siya, galit agad?” Umiling ito habang tinitigan silang dalawa. “Hindi pa nga ako nakikialam sa drama ninyo.” Napairap si Jeric. “Ano bang ginagawa mo dito?” “Uy,” sagot ni Jestoni habang bahagyang tumawa. “Hindi man lang ‘good evening, bro’? Ganyan na ba tayo ngayon? Hindi na ba tayo close?" “Hindi kita bro.” “Masakit ’yon ah

