Madilim na nang makarating si Jeric sa La Huerta Manor. Halos kasabay ng pagbukas niya ng malaking pinto ay ang pag-echo ng katahimikan sa loob ng bahay. Madilim na ang sala, tanging ilaw lang mula sa kusina ang nakabukas at ilang mga pin light sa bawat sulok ng manor. Hindi pa rin nawawala sa utak niya ang nangyari sa ospital. Si Piper, ang galit nito, ang takot nito at ang mga sinabi nitong— Buntis si Bia. Napahigpit ang panga niya. Imposible, hindi puwede, hindi siya ang ama at sigurado siya sa parte na yun. Kaya hindi niya hahayaan na maging dahilan si Bia para iwasan siya ni Piper. Kung kelangan na niyang tapusin kung anong meron sa kanila ni Bia gagawin na niya ngayon mismo. Pero bago pa siya makapag-isip habang paakyat na siya ng hagdan, may narinig siyang mahina pero paulit-ulit

