Maagang-maaga pa lamang maaga ng gumising si Piper dahil palihim pa siyang pumitas ng mga dahon ng isang halamang gamot na itinuro sa kanya ni Ka Galo. Sinamantala niya habang wala pang tao na gising sa paligid, kaya nag mamadali na siyang kumuha ng mga dahon saka nag mamadaling bumalik sa bahay nila. Sinunod niya ang lahat ng itinuro ni Ka Galo sa kanya, nakatitig siya sa kaserola na nakapatong na sa kalan. Sa loob nito ay ang mga dahon na matiyaga niyang pinakuluan. Labinlimang minuto na ang nakakaraan, iyon ang sabi ni Ka Galo. “Pakuluan mo nang mga kinse minutos. Kapag naging berde na ang tubig, saka mo ipainum sa nobya mo kung talagang kinakabahan ka na mabuntis mo siya. Pero sa umaga dapat—wala pang laman ang tiyan.” bilin pa sa kanya ni Ka Galo since akala nito siya si Viper at no

