"Tigilan mo na nga ako, mahiya ka naman napapatingin na sa atin ang mga tauhan, Sir Jeric." mahinang saway ni Piper sa binata. Na nakabuntot sa kanya mula pa kanina. Mainit na ang araw tapos nakakainit pa ng ulo si Jeric La Huerta, habang nasa malawak sila ng taniman ng kape. Daig pa nito ang anino niya, pinipilit niyang wag itong pansinin at gawin ang trabaho niya habang ang basket na nasa sa tagiliran niya ay unti-unti ng napupuno ng hinog na kape. "Suotin mo kasi to ang init-init." giit ni Jeric na pilit na inilalagay sa ulo niya ang isang abakang sumbero na suot nito kanina pa pero pilit niyang iniiwas ang ulo. Dahil kanina pa napapalingon sa kanila ang mga trabahador ng farm sa ikinikilos ni Jeric mula pa kanina. May bitbit din na basket na nakasabit sa baywang si Jeric at sa iisang

